Kabanata 40 In love Maaga pa lang ay nakatanggap na ako ng tawag mula kay Dahlia. She remind me about the dinner meeting with the Hidalgo's. Sinabihan ko siyang dito na mag-ayos taliwas sa usapan naming magkikita sa Hotel. Kaya wala akong pagpipilian kundi ang bumangon nang maaga at maligo para mawala ang hang-over ko sa ininom ko kagabi. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi kagabi. Ang tanda ko ay nakatulog ako sa sofa nila Joe at nagising lang sa tawag ni Dahlia ngayong umaga. Matapos kong maligo ay tinawagan ko agad si Joe para kompirmahin kung ano ba ang nangyari. "What? Bakit mo ginawa 'yon?!" Sapo ko ang ulong masakit at sumalampak ng upo sa kama. "I have no choice. Alam mo na man na kay Harold lang may tiwala ang parents mo kaya siya na lang ang tinawagan ko para maghatid s