Tahimik lang ako habang naglalakad kami sa market. Hindi pa rin kasi humuhupa ang kaba sa dibdib ko hanggang ngayon. Idagdag mo pa na katabi ko ito ngayon habang naglalakad kami sa kahabaan ng pamilihan. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. I was literally distracted by his scent and by his hot presence. "May napili ka naba na pwedeng ipasalubong?" he asked lowly at me after we reach the bottom of the market. Mabilis akong napakamot sa noo, ang totoo kasi niyan ay wala akong mapili dahil nga abala ako sa kanya. "Hmm, wala akong maisip na bilin e." Nabigla ako nang gagapin nito ang aking palapulsohan para hilahin sa isang bangketa. “Mukhang bagay ‘to kay Uncle Alex." Hinila nito ang isang kulay itim na sumbrero. Naka-burda doon ang isla ng Danao Lake na hugis gitara. "Maganda nga iyan." Bumaling ako sa tindera para tanongin kung magkano iyon pero naglabas na ng pera sa wallet si Joaquin. "Ako na ang magbabayad, It’s my treat." Sumulyap ito sa akin bago ngumiti. "Ikaw na nga ang nanlibre ng lunch ko kanina.." Nahihiya kong sinabi. "Diba sagot ko ang buong trip na ito?" Humila ito ng isang pulang sunhat at isinuot sa akin. Kagat labi akong yumuko. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa nerbyos. "Thanks.." I softly whispered. Matapos nitong bayaran ang sumbrero ay hinila niya akong muli para tumingin naman ng pwedeng ipasalubong kay mommy. "Sina Auntie Sofiah hindi mo ba bibilhan ng pasalubong?" tanong ko dito nang humimpil kami sa isang shoe store. "You choose and I'll buy it for her," he said at me. Napakurap ako’t hindi makapaniwala sa narinig. Gusto niyang ako ang pumili ng ipapasalubong kay Auntie Sofiah? "Come on in?" Tumaas ang kilay nito bago ako hilahin papasok sa loob ng shop. Mabilis akong nakapili ng sapatos para kay mommy at auntie. Narito na rin naman ako ay pumili na rin ako ng para sa akin. Sinulyapan ko si Joaquin na patingin-tingin ng ilang sapatos sa aking tabi habang nakapamulsa. Pansin ko ang paglingon ng ilang kababaihan ito dahil sa angkin nitong kakisigan. Lihim akong napangiti. Hindi na ako magtataka kung bakit ito agaw pansin. Kahit kasi ako ay hindi rin makapaniwala na katabi ko siya mismo. Humila ako ng itim na stiletto at sinipat iyon ng tingin. "You want that one? I think it’s fit in you." Bigla itong nagsalita sa tabi ko. "Yeah, isusukat ko lang." Tangka na sana akong yuyuko nang pigilan nito ang aking braso. "Ako na ang magsusuot saiyo." Hinila nito mula sa akin ang sapatos at mabilis na lumuhod. "Joaquin!" Pigil ko dito. Mabilis akong lumingon sa paligid. Ilang customer ang napapalingon at may kinikilig sa ginawa nito. Napapikit ako ng dahan-dahan nitong haplosin ang isang paa ko. His hand is so soft and warm that sends electrical shock in my nerve. Hinubad nito ang suot kong sandalyas at isinuot ang sapatos sa akin bago tumingala. "Hmm, it looks great on you.." He smile warmly at me. Hindi ko naman napigilang pamulaanan ng mukha. God, is he for real? Hindi ba ako nananaginip lang? Tumayo na ito at sinalubong ang aking tingin, "Choose one more shoes and I’ll buying it all for you." he said closely. "Hindi na, ikaw na nga ang bumili ng pasalubong ko para kay mom." Pigil ko dito. Sobrang nakakahiya na kung magpapabili pa ako ng isa pa sa kanya. "No, I insist.." Sinenyasan nito ang sales lady na lumapit. Sa huli ay wala na rin akong nagawa nang bilhan niya pa ako ng isa pang sapatos. Rubber shoes naman ang napili nito sa akin. Bitbit niya ang mga pinamili namin ay sabay na kaming lumabas ng store. Ngunit agad na nanlamig ang talampakan ko nang mamataan ang pamilyar bulto ng lalaking makakasalubong namin. Agad na nagtama ang mga mata namin. Huling huli ko ang gulat sa mukha nito ngunit agad ding napalitan ng pagka seryoso. My heart skipped on it's beat as we exchange looks for a about a second. Mabilis bumalik sa gunita ko ang mga eksena namin kagabi. His hot scent, his warm touch. His soft sound and his kiss. It feels like I'm not in my own body anymore.. "Kuya.." Tawag pansin dito ni Joaquin. Buong akala ko'y hindi ito lalapit sa amin ngunit pumihit ito't nag-umpisang humakbang palapit. "Tol," anito at nakipag fist bump pa sa kapatid. "Namili kayo?" Bumaba ang tingin nito sa mga paper bags na dala ni Joaquin. Joaquin look at me over his shoulder and nodded. Sumulyap naman sa akin si Harold at ganoon nalang nanghina ang mga tuhod sa klase ng tinging pinukol n'ya sa akin. Ibang-iba ang mga titig nito. Tila hinihila ang kaluluwa ko at walang paraan para ito takasan. "Ah, let's go? May gusto pa kasi akong bilhin." Aya ko kay Joaquin. Wala sa loob na napakapit ako sa braso nito. I heard a hissing sound coming from Kuya Harold. Kaya tumaas ang tingin ko dito na siyang nakangisi sa akin. I swallowed deeply as I tightened my gripped to Joaquin's arm. Damn it! Ano bang gusto n'yang palabasin sa mga titig n'ya. "Gusto kong sumama. May bibilhin din kasi ako para kay dad," anito habang nilalaro ang dila sa loob ng pisngi. Again I saw how Joaquin working his jaw as they both staring at each other. Parang nais nitong sabihin na hindi masabi. "Ikaw ang bahala.." Nauna na kami ni Joaquin pero ramdam kong nakasunod ito sa amin. We don't actually act like this before. Malayong malayo sa nakasanayan kong Harold na aakbayan ako kahit saan kami pumunta. May pagkakataon na humihinto kami sa isang store para tumingin tingin. At sa pagkakataon na iyon ay hindi maiiwasang tumabi ito sa akin. "Anong binili mo para kay dad?" tanong nito kay Joaquin. "Wala pa, si Allyson na ang pinapili ko para kay mom." sagot nito. He blew out a breath after hearing those words coming from Joaquin. Parang gusto kong umatras at hayaan nalang silang magkapatid ang mag-usap. "Really? You did that?" Bumaling sa akin si Harold habang nakataas ang kilay. I bit my lower lip, "Yeah, a pair of shoes for mom and auntie," I said casually. "Alright, I'll buy a jacket for dad." Naglakad na ito papasok sa isang store. Wala sa loob na humakbang din papasok ang mga paa ko. Para kasing gusto kong ibili rin si dad ng jacket. Humiwalay na ako sa kanila at tumingin tingin ng babagay para kay dad. Tulad ko ay payat lang si dad at matangkad kaya bagay na siguro sa kanya ang large size na jacket. "Ano sa tingin mo? Bagay ba 'to kay Uncle Alex?" Lumapit sa akin si Joaquin at pinakita ang kulay asul na jacket. "Hmm, mukhang maganda nga 'yan." nahihiya kong sambit. Tiyak kasi na ito nanaman ang magbabayad nito. "I'll buy it for tito," aniya bago ako talikuran. Wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod dito. Nasa counter na rin si Harold at nauna sa pila. Nakapili na ito ng dalawang jacket, tingin ko ay para kay Auntie Sofiah ang isa dahil pink ang kulay ng isa. "Ako na ang magbabayad niyan." Hinila nito mula kay Joaquin ang jacket na bibilhin niya sana para kay dad. Hindi naman tumanggi si Joaquin at ngumisi lang matapos iyon ibigay. Ayoko man pumayag ay wala na akong nagawa. Sa ibang pagkakataon nalang siguro ako babawi sa mga pasalubong na binili nila para kay mom and dad. °° Hapon na nang makabalik kami sa hotel. Naabotan pa namin sa lobby si Pauline na may kausap sa phone. Nang makita kami nito ay agad niyang binaba ang tawag at lumapit sa amin. "Where have you been? Kanina pa ako tawag ng tawag sa phone mo?" Tinungkian nito ng halik sa labi si Joaquin bago ito sumulyap sa akin. "Namili lang kami ng mga pasalubong." sagot nito. "Bakit hindi mo ako sinama?" Sumulyap ito sa akin at base sa mga tingin n'ya ay hindi ito natutuwang makitang kasama ko si Joaquin. "Actually, ako lang ang may planong bumili sinamahan lang n'ya ako." I smiled at her. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Tumaas ang kilay nito at bumaling kay Harold. "Nand'yan naman si Kuya Harold bakit kailangan hatakin mo pa ang boyfriend ko sa kung saan?" Mas lalong lumuwang ang ngisi ko sa labi. Paano'y namumula na ito sa tiyak kong selos. "Come on, Pau, let's talk about this in our room." Hinawakan ni Joaquin ang braso nito para sana ayain nang umalis.. pero nagsalita ako. "Joaquin, thanks nga pala sa treat mo, lalo na sa mga binili mong pasalubong para kila mom and dad!" I said in my calmer voice. Pauline shut me with disgusted glance, kung hindi lamang ito hawak ni Joaquin ay baka sinugod na ako nito dahil sa inis. Iniwan ko lang siya ng isang ngiti bago pumasok sa kabilang elevator.. "What is that mean?" tanong sa akin ni Harold nang kami nalang dalawa sa loob ng elevator. Hindi ako nagsalita. I don't need to explain my side to him. Baka nakakalimutan n'ya may atraso pa siya sa akin. "Are you planning to steal Joaquin in front of her own eyes?" His words cuts my nerve. Tumingala ako dito na buo ang loob. "Yes, if this is the only way, why not?" Harold chuckled, ilang beses pa itong umiling bago ko nakitang gumalaw ang panga nito sa hindi ko malamang dahilan. "Huwag mong sirain ang sarili mo para lang sa isang lalaki." He shook his head again. Lumunok ako't binawi ang tingin dito. Madali lang sabihin iyon sa kanya dahil hindi naman siya naghintay ng ganito katagal. Now that I've already confessed my feelings, ngayon paba ako susuko, gayon mukhang may katiting na akong pag-asa. "He already knew my feelings towards him, dapat nga siya pa ang lumayo sa akin pero bakit mukhang iba yata ang nangyayari?" I chuckled. Ramdam ko ang mabigat nitong buntong hininga sa tabi ko. Nilunok ko agad ang sinabi ko dahil alam kong mali itong gagawin ko. "Let's talk, Allyson.." Iyon nalang ang tangi niyang nasambit bago ako iwan nang bumukas ang pinto ng elevator. Pumikit ako ng mariin. Mukhang alam ko na kung ano ang gusto niyang pag-usapan namin. Imbes na suite niya ito tumigil ay sa mismong pinto ko ito naghintay sa akin. Alam kong bitbit n'ya ang lahat ng mga pinamili namin kaya wala akong choice kundi pagbuksan ito. "Pakibaba mo nalang d'yan sa sofa ang mga 'yan." Diretso ako sa kusina para lumagok ng malamig na tubig. Kanina ko pa talaga gusto huminga ng malalim at payapain ang isip. Peo habang nandirito si Harold ay mukhang malabo iyon mangyari.