Bumalik ako para silipin kung nakaalis na ba ito ngunit mali ako. Naroon ito sa may veranda habang hawak sa isang kamay ang stick ng sigarilyo.
He do smoke, ilang beses ko na itong nakita pero pansin ko na kapag parating ako't kasama ko siya ay hindi niya iyon ginagawa.
Dinala ko muna sa aking silid ang mga pinamili namin kanina ni Joaquin. Pero hindi ko sinasadyang madala ang paper bags na may lamang jacket na para kay Uncle Sofronio.
Lumabas ako para ibalik ang mga iyon sa sofa kung saan ito ngayon naka-upo habang nakadipa ang dalawang braso sa back chair.
"That one si for you." Tumuon ang pansin nito sa kulay puting paper bag na tiyak ko na ang laman ay kulay pink na jacket.
"Hindi ka na sana nag-abala," sabi ko sa malamig na boses.
Nanatili akong nakatayo ilang hakbang mula sa kanya. Hindi ko maintidihan kung bakit muli nanuyo ang aking lalamunan.
He raised his eyes and darted on me with such intensity. Damn, Harold!
"W-what are we going to talk about?" I said as I manage to seat in front of him.
Mabilis na bumaba ang tingin nito sa aking leeg pababa pa sa aking dibdib.. bago ko nakitang gumalaw ang dila nito sa loob ng kaniyang pisngi.
"I said, what are you up to?" Pinakita kong naiinis ako para sabihin na nito ang sadya.
"Those kisses last night.. His lips settled into a thin line. Umangat ang kamay nito at nilagay ang hinlalaki sa ibabang labi.
Umiwas ako ng tingin at sumandal sa silya. s**t, I'm dead!
"Why are you kissing me back last night?" Diretso at walang preno nitong tinanong.
Nahigit ko ang paghinga. I literally don't know the answer. Wala rin akong ideya na ganoon ko pala siya gustong halikan ng gabing iyon. I think, I put under his spell.. the kind of spell that slowly killing me..
"That's nonsense! Gusto ko nang magpahinga!" Bigla akong tumayo para pumasok na sa loob ng aking silid.
"Go back to your seat, Ally. Hindi pa tayo tapos mag-usap!" His voice thundered that made my heart jump.
I shut my eyes and turned to face him again. Nanatili ito sa kaniyang pwesto habang nakatitig sa akin ng diretso.
Bakit kailangan hindi siya mukhang apektado sa lahat? Bakit kailangan ako pa ang nakakaramdam ng ganito?
"You can leave now, Harold. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga."
Muli akong tumalikod dito, ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay naramdaman ko na ang mga braso nitong pumigil sa akin.
"I said we're not done yet," he said in a rough tone.
Humarap na ako dito na salubong ang mga kilay, "There is no sense kung pagtatalunan pa natin ang bagay na iyon. That kiss is a mistake! A big mistake! Ikaw na rin ang nagsabi na mali iyon. So ano ang pinuputok ng butchi mo?!"
Akala ko'y sasagot ito ngunit tinulak n'ya ako ng bahagya kaya napasandal ako mismo sa pinto ng aking silid. Hindi pa man ako nakaka-ahon nang i-corner n'ya ako doon gamit ang dalawa nitong mga kamay na nakahawak sa hamba ng pinto.
Agad umawang ang labi ko sa labis na gulat. His eyes drifted to my lips and exhale right in front of my face.
"Tigilan mo na ang kalokohan mo kay Joaquin dahil masasaktan ka lang," he said in a rough tone.
Ngumisi ako dito't bahagya itong tinulak ngunit hindi man lamang ito natinag.
"Hindi ikaw ang magsasabi sa akin kung kailan ako dapat tumigil! Bakit ikaw ba may ginawa kaba para ipagtapat man lang kay Pauline 'yang nararamdaman mo? Wala kang ginawa, kaya 'wag mo akong utusan na tigilan ito dahil alam ko sa sarili ko at sigurado ako na may nararamdaman din para sa kin si Joaquin!"
Hindi ito sumagot, nanatili sa ganoong ayos. Those line from his forehead and the clenching of his jaw made my heart thumping so bad.
Alam kong galit siya sa sinabi ko. Pero bakit ayaw n'yang sumabog? Gusto ko na ilabas din n'ya ang nararamdaman n'ya at sigawan ako pero mukhang malabo 'yon mangyari.
He move his lips and lower down his head a bit, bago ako bitawan.
"Let's talk about this in some other time." Sumusuko nitong sabi.
Pero hindi ako pumayag ako naman ngayon ang pumigil dito at lakas loob na sinalubong ang madilim nitog mga titig.
"Ano ba si Pauline para saiyo? Akala ko ba gusto mo siya?" Nakita kong gumalaw ang panga nito pati ang dila'y tinulak ang loob ng pisngi.
"She's attractive-" He paused.
Lumunok naman ako, parang bigla ay ayokong marinig ang kaniyang mga sasabihin.
"Matagal ko na siyang gusto, she's a type of a woman who is worth chasing for. Pero paano ko gagawin iyon kung ang kapatid ko mismo ang pinili niyang mahalin at hindi ako?"
Natigilan ako, parang gumuhit sa puso ko ang kaniyang mga sinabi.
Bakit kailangang si Pauline ulit? Bakit si Pauline nalang palagi? Ano bang meron sa kanya na wala ako?
"So it always been Pauline.." Basag na ang boses ko nang magsalita.
Hindi ko yata kayang tatagan ang pagtayo. Bakit pakiramdam ko ay dobleng dagok ang hatid sa akin ng kaniyang pag-amin. Hindi man pamilyar pero alam ko, mas malalim ito ngayon.
Napansin kong na alarma ito at mabilis na sinapo ang aking dalawang pisngi.
"Hey, look at me.." He gentle brush my cheek using his thumb fingers.
Tumaas ang tingin ko dito. Ngunit agad ding bumagsak sa kaniyang mga labi. There's a part of me that longing for his kiss at this moment. The kiss that makes my world go round..
"Shhh.. I'm sorry.." Patuloy ito sa ginagawa at mas ramdam ko ang init na binubuga ng hininga nito sa aking balat. He's too close and I can't contain the heat.
Dahan-dahan umangat ang aking dalawang palad sa kaniyang dibdib. Yumuko pa ito ng bahagya kaya nagdikit ang aming mga noo.
I blew out a deep breath and look straight to his eyes that says a thousand words to me.. Pumikit ako nang tawirin nito ang pagitang meron kami.
His kiss is so gentle. Wala akong ideya kung bakit at paano nanaman kami humantong sa ganito. Sinabi niyang si Pauline ang gusto n'ya at alam din nitong kay Joaquin ako may pagtingin, pero bakit heto kami? ninanamnam ang isang halik na wala naman pangalan?
He work his mouth against mine, and our tongue battling back and forth, wild and delicious.. Ngunit agad din itong natigilan dahil sa sunud-sunod na katok mula sa pinto.
"Damn it!"
Kumalas ito't tumalikod sa akin, ako naman ay mabilis na naghanap ng hangin para makahinga ng maluwag.
Sina Macky, Rudolph, Frank at Joaquin ang mga nasa labas, may mga dala pa itong bote ng alak at ilang plastick bags.
"Kanina pa kami katok ng katok sa pinto mo sa kabila, nandito ka lang pala," ani Frank na diretso sa may lamesa para ilapag doon ang dala-dala.
"Yeah, hinatid ko lang mga pinamili namin kanina sa market." sagot ni Harold.
Nagtama ang mga mata namin ni Joaquin, mabilis na bumaba ang tingin nito sa ayos ko kaya binawi ko ang tingin at inayos ang nagulong buhok at damit.
"Hi, Ally? Kamusta ka dito?" si Rudolph na naupo sa may sofa.
Nanatiling nakasandal ang likod ko sa may pinto dahil hindi pa rin maka-ahon ang puso sa matinding kaba.
Sinundan ng mata ko si Harold na pumasok sa may kusina at maya pa'y may mga dalang baso. Bahagya pa itong sumulyap sa akin at tumaas ang isang kilay bago ako senyasan na lumapit.
"A-anong gagawin n'yo? Dito kayo iinom?" tanong ko nang makabawi.
Tumaas ang tingin ng apat sa akin na nakakunot ang noo. Si Joaquin ay nakasandal lamang ng upo sa sofa at tila may malalim na iniisip.
"Oo, bakit? Hindi ka paba nasanay sa amin?" si Rudolph ang sumagot.
"Err, hindi naman, sige enjoy lang kayo, nasa silid ko lang ako." Hindi ko na hinintay pang magsalita ang mga ito dahil mabilis na akong tumalikod para pumasok sa aking silid..
Pumikit ako ng mariin nang mailapat ko ang pinto pasara..
Pabagsak kong hiniga ang katawan sa malambot na kama at dahan-dahang hinaplos ang labi na tila umaapoy pa rin sa init hanggang ngayon.
Pumikit ako at binalikan ang tagpong iyon kanina. His kiss is so soft, he knows how to create a sensation taste and leave me hunger and thirsty at the same time.
Gusto ko pa sanang namnamin ang tamis na halik na iyon at balikan ang eksena. kanina ngunit Ilang katok naman ang narinig ko mula sa labas kaya bumangon ako para pagbuksan ang mga ito.
"Ally, tara sa labas. Kanina kapa namin hinahanap!" Si Fiona ang bumungad sa akin. Sumilip ako sa living room, naroon na rin pala pati si Joe at si Pauline.
"Sige, magpapalit lang ako sa sandali ng damit."
"Okay, basta sunod ka ha? In fairness dito sa suite mo ang bongga!" aniya bago ako talikuran.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago diretso na sa bathroom! Gusto ko munang mag-shower sandali dahil sa mainit na pakiramdam.
Nang matapos ay pinili kong magsuot ng short at lose white T-shirt. Dala ko pa sa paglabas ko ang tuwalya na pinupunas ko sa buhok nang lumabas.
Maingay sa salas nang labasin ko ang mga ito. Halatang may tama na rin dahil sa halos maubos na nila ang laman ng boteng dala kanina. Pumasok ako sa kusina para uminom muna ng tubig at bumalik sa salas.
"Bakit ba dito n'yo pa naisipang uminom. Dapat doon nalang kayo sa suite ni Harold." sambit bago maupo sa armchair ng sofa kung saan naroon si Harold.
"Wala nga si Harold sa suite n'ya, kaya dito na namin siya pinuntahan." sagot ni Rudolph.
Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa tabi nito nang hilahin n'ya ako para ikandung sa kanya.
Halos mapatili ako sa labis na gulat, alam kong normal nalang sa kanila na makita ang closeness namin ni Harold pero iba ang hatid sa akin ng ginawa n'ya.
Pinulupot nito ang dalawang braso sa aking maliit na tiyan at pinatong ang baba sa kanan kong balikat. Bumaling ako dito at sinalubong ang mga titig nito na halos gahibla lang ang layo..
"What are you doing?" I asked shakily.
Hindi ito nagsalita bagkus ay humalik pa sa leeg ko ng mabilis. f*****g Harold!
"Baka naman magkapalit na kayo ng mukha n'yan?" Narinig kong tukso ni Macky.
Mabilis akong kumurap at humurap sa mga ito. Gusto kong umalis na mula sa pagkaka kandong dito dahil inuulan na kami ngayon ng tukso.
"Ang dudumi ng utak n'yo!" Suway ko sa mga ito.
"Hmm, di nga, talaga bang nagde-date na kayo ni Ally?" Pangungulit ni Rudolph.
Harold planted a kiss on my shoulder, kahit na may suot akong damit ay tila tumatagos mula doon ang init ng halik n'ya.
"Ito? Ide-date ko? Hindi ah!" aniya at mas humigpit ang yakap sa akin..
Umikot ang mga mata ko, para ipakitang hindi ako apektado pero may parte sa pagkatao ko na nasaktan.
"Ang yabang mo! Akala mo gwapo ka ha?!" Pinisil ko ang dalawang pisngi nito dahil sa inis.
"Bakit mas gwapo pa nga ako sa crush mo e!" anito habang nakangisi.
Umakyat naman ang pamumula sa aking dalawang pisngi. s**t ka Harold!
"Sino ba talaga 'yang crush mo at nang makilatis na namin? Tagal mo nang walang boyfriend," sambit ni Macky habang nagsasalin ng alak sa baso.
Mabilis lumipad ang mata ko sa kanina pa tahimik na si Joaquin. Nagtama ang mga tingin namin. I could feel the electrifying heat that comes from his deep stare.
"Kilala ko, sasabihin ko na ba?" Nagtaas ng kamay si Harold. Kumunot ang noo ko dito na siyang naka ngisi sa lahat.
"No way, hindi mo sasabihin?" bulong ko dito.
"Why not? Tutal may girlfriend naman na yung tao, crush is paghanga," aniya pa.
Tangka na akong aalis sa kandungan n'ya nang hilahin niya ako at niyakap ang mga braso sa aking katawan.
"It's Joaquin.."