Kabanata 58 Project Hindi agad ako binitiwan ni Harold, tumitig pa ito sa mga mata ko at hinapit ako palapit sa kaniya. "Hindi ka pa rin pwede uminom," aniya habang patuloy na hinahaplos ang aking baba. "Totoo na ba 'yan? tanong ni Fiona na umahon na rin sa tubig. I looked up Harold, he smiled at me bago tumango sa lahat. Halos manlaki naman ang mata ng mga ito habang si Joe ay tuluyan na akong niyakap. "Congrats, finally nagka-aminan na rin kayo!" aniya habang hawak ako sa magkabilang balikat. Ngumiti ako dito habang pulang pula pa rin ang mukha. Binati rin kami nina Rudolph at ilan kong pinsan na naroon, habang si Macky ay minamasahe naman ang balikat ni Harold na tila proud sa nangyari. Gusto ko nga mahiya dahil mukhang ako pa ang unang nag-bulgar ng relasyon namin samantalang