Kabanata 57 Boyfriend Nagkanya-kanya na kami ng sasakyan matapos namin mag-lunch. Wala rin akong kibo habang binabagtas namin ang daan patungo sa condominium kung saan nakatira si Pauline. Hindi ko mapigilang isipin kung bakit hindi ko sinubukan umalis sa puder ng mga magulang ko gayong nasa tamang edad naman na ako para bumukod. Pauline have that guts to moved and be an independent woman. Pero bakit ako, hindi ko magawa ang ginagawa n'ya? Sumulyap ako kay Harold nang lumiko ito at pumasok sa simabahan. Mabilis akong lumingon dito. Mabilis rin tumahip ang dibdib ko at kung anu-ano ang pumasok sa isip. "What are we doing here?" Kunot noo kong tanong. "Magsisimba, ano bang akala mo?" He chuckled, matapos ay umiling iling sa'kin. Agad naman maula ang dalawang pisngi ko at umirap dito.