"Please take a seat, ladies." utos ng Executive assistant namin. "Siya pala ang kapatid ni Harold? In fairness huh, may ibubuga din naman." Siko sa'kin ni Amèlia. Tumaas lang ang kilay ko dito at hindi nalang nagsalita. Mas tinuon ko ang pansin sa team manager namin na siyang nagsasalita sa harapan. Pero hindi ko maiwasang sulyapan si Joaquin na habang prenteng nakaupo sa kaniyang swivel chair. Nakahilig ang mga siko nito sa armchair habang ang mga daliri'y nilalaro ang ibabang labi. "Miss. Herrera, are you with us?" Napakislot ako bigla sa pagkakaupo nang marinig ko ang boses ng aming team manager. "Yes—ma'am?!" Lumipad agad ang tingin ko kay Joaquin na sumulyap sa'kin bago umiling. "You are in-charge to facilitate the road project together with Engr. Eliseo. "Kung hindi n'yo nai