Halos magkasunod kaming bumaba ng kotse at diretso sa loob ng resto-bar. Agad kong natanaw ang grupo nila Dahlia sa isang lamesa. Hindi na ako nagtaka nang si Harold ang sumagot ng pagkain para sa aming lahat, siya na rin ang sumagot ng ilang bucket ng beer at pulutan pagkatapos namin kumain. "Ang generous mo naman, sana makahanap din ako ng guy na sing gwapo at bait mo." Paglalambing dito ni Amelia na ngayon ay nakatabi sa sa kanya ng upo. Tumaas ng bahagya ang aking kilay bago hilahin ang baso ng beer sa lamesa. "You gonna regret it girl.." I murmured as I sipped on the glass. Sumulyap naman sa akin si Harold na umarko rin ang kilay dahil sa sinabi ko. "What?" My lips said to him. Napasandal naman ang likod ko sa silya nang lumapit ang mukha nito sa akin. "Don't act like a jealou