Chapter 8

1422 Words
“Hmm, are we going to the golf club again? I mean, really, Ivy?’ Isang irap ang binitiwan ni Ivy kay Wella. “Oo nga, it’s a weekday naman, Ivs. Pwedeng iba na lang ang tambayan natin, please?” pakiusap pa ni Ella sa kanya. It’s still class hour supposedly, but then freecut sila sa last class nila kaya naisipan nilang tumambay na lang muna somewhere para maghintay ng oras. Itong mga kaibigan niya naman, akala yata nagyaya siyang pumunta sila ng golf club dahil gusto niyang mang-stalk kay Eonren kahit na ang totoo ay nandoon ang mga magulang niya at pinapapunta siya roon. Sumimangot lang siya sa mga ito habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. “I won’t be there because of him, no. Mommy and Daddy are there right now kasi. Mommy just called me and told me about it. Pinapapunta ako roon at doon na lang daw ako tumambay para hindi na ako mapagod pa at sabay na lang daw kaming umuwi. That’s just it, okay? Grabe, you guys are so nakakainis. Really? I’m gonna be there just for him? It’s a weekday, no. Weekend lang schedule niya,” rant niya pa sa mga ito. Umirap na lang si Ella sa kanya. "Duhh girl, kasi naman, no. These days you're just about Eonren and everything. Tsk. Mas sumimangot lang ulit siya rito."Hindi nga kasi. Ano, tara na? Or uuwi na lang kayo? You two are not obligated to come naman, no," sabi pa ni Ivy. Nagkatinginan pa ang dalawa niyang kaibigan na para bang tinatantiya ang kanyang sinabi. Sa huli ay nagsitanguan na lang din ang mga ito bilang pagsang-ayon. Ngumisi lang si Ivy sa dalawa tapos ay umiling. Niligpit na nila ang mga gamit tapos ay sabay na lumabas na sila ng campus. Agad na sinalubong si Ivy ng kanyang mga guard pagkalabas na pagkalabas. "Good afternoon po!" masayang sabi niya pa pagkapasok nila. Nasa may bintana siya tapos ay ang mga kaibigan niya na. Prenteng sumandal na siya sa likod ng upuan habang naka-dekwatro ng upo. She got her phone after and browsed through it. Tiningnan niya pa ang messages ng mga magulang niya tapos ay nagtipa siya ng reply. It took them almost an hour din bago sila tuluyang makarating sa golf club. Pagkarating pa nila roon ay halos malula sila sa sobrang dami ng mga tao. Parang may piyesta sa buong club at imbitado halos lahat ng members. Naapaawang na lang ang labi ni Ivy at napailing nang makita ang dagsa ng tao sa parking lot. Exclusive ang membership ng club at mostly ay mga socialite talaga ang gumagamit nito kaya sure siyang iyong mga taong nandoon ay puro mga mayayaman at may kaya sa buhay. "Business meeting yata…" nasabi niya na lang nang papasok na sila sa field part at sobrang dami na niyang nakitang mga taong nag-uusap. Mahinang suminghap pa si Ivy. Tuloy-tuloy lang silang naglakad hanggang sa makarating sila sa may dulo ng field. Agad na inilibot pa ni Ivy ang tingin sa buong lugar para hanapin ang mga magulang niya. Ngumuso siya at mabilis na kinuha naman ang kanyang cell phone. Ilang saglit lang ay tinawagan niya naman ang ina. "Mommy?" tawag niya. "Oh, Ivy. Nandito ka na ba?" "Yup. I just don't know where you guys are. Saan po ba kayo, Mom?" "Nandito kami sa dulo. Hanapin mo itong maraming tao." Ngumuso si Ivy. "Alright, Mom." Ibinaba na rin niya ang tawag saka siya lumingon sa mga kaibigan. "Let's go na," yaya niya sa mga ito at saka nila sinuyod ang buong lugar. Luckily, nahanap naman nila agad iyong sinasabi ng mommy niya at nakita niya rin agad ang mga magulang niya kasama ang mga taong hindi niya naman talaga kilala. "Mom," tawag niya pa sa ina nang dumating sila. Agad na lumingon ang mommy niya at sinalubong siya. "Anak." Bumeso ito sa kanya at sa mga kaibigan niya. "Mommy, what are we doing here? I mean bakit ang daming tao?" tanong niya pa. Inakbayan siya ng ina at sabay silang pumunta sa direksyon ng daddy niya. Sumunod naman ang mga kaibigan niya sa kanya. Nang makarating sila sa couch ay saka niya nakita ang daddy niya na may mga kausap. Ni wala siyang kilala sa mga iyon. Sabay na umupo na lang silang tatlo sa couch. Nagdekwatro pa ng upo si Ivy at iginala ang tingin sa buong paligid. "Ivy, order na lang kayo ng gusto niyo," ani ng Mommy niya na agad niya namang tinanguan. Kinuha niya ang menu at ibinigay sa dalawang kabigan. Hindi niya lang maintindihan dahil tila hindi siya mapakali roon. Panay ang paglibot ng kanyang tingin sa buong paligid. Habang busy ang mga kaibigan niya sa pag-o-order ay busy rin naman siya aa pag-survey ng paligid. Hanggang sa napako ang tingin niya sa isang pamilyang paparating. Papunta ang mga ito sa kanilang direksyon. Halos lahat ng mga taong nadadaanan ng mga ito ay tumitingin at nahahawi. Bahagyang naawang ang bibig ni Ivy habang nakatitig sa pamilyang iyon. Isa lang ang pamilyar na mukha sa kanya pero parang kilala na niya kung sino iyong mga iyon. "Oh my gosh, am I seeing what I am seeing? Is that Eonren's family?" Ella gasped. Ivy then looked at her friends. Kapwa namamangha at na-surpresa ang mga ito. Napalunok na rin tuloy siya habang nakatitig sa papalapit na pamilya. "Gideon!" tawag ng isang businessman sa ama ni Eonren kaya mas lalo lang napalunok si Ivy. When the family entered their gazebo, everyone in there turned to them. Ivy was beyond shocked and overwhelmed. First time niyang makita in person ang buong pamilya ni Eonren. His mother, Airenia Fermin-Legaspi was so elegant and elite-looking. Seryoso lang ang mukha nito pero halatang-halata ang ganda kahit na may edad na. Nakaangkla ito sa braso ng ama ni Eon. Napadako naman ang tingin ni Ivy sa mga kapatid ni Eon. It was her first time seeing them in person, too. And she didn't expect them to be thay god-like creatures. Puro seryoso ang mga mukha ng dalawa. Parang sa kanilang tatlo ay si Eon iyong parang light at hindi gaanong seryoso habang iyong dalawa ang ubod ng seryoso naman. Napanguso siya at agad na siniko ang katabing kaibigan. "s**t, Ivy…that's the Legaspi Trio!" impit na sigaw ni Ella na agad niya namang kinurot. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakita niya na ang buong pamilya ni Eonren. "What's his brothers' name? Omg are they single?" kinikilig na sambit pa ni Wella. Napairap na lang si Ivy sa mga ito. "Hmp. They're both committed no. The eldest is Aireon Legaspi, and the second is Gaireo Legaspi. Both committed and taken," nakasimangot na sabi ni Ella. Narinig pa ni Ivy ang pag-ungot ng kaibigan. Ibinalik na lang niya ulit ang tingin sa pamilya ni Eon na kasalukuyang binabati ang mga nandoon. Business inclined ang tatlong magkapatid kaya hindi na rin siya nagtakang kilala ng mga ito ang halos lahat ng nandoon. Umiling na lang siya at palihim na pinagmamasdan lang si Eonren. Nakagat niya pa ang labi dahil tila ang guwapo tingnan ng lalaki habang nakikipagkamay sa mga businessman na naroon. Ilang saglit pa, habang busy ang lahat sa pakikihalubilo sa mga tao ay may mga dumating pa. Halos malula si Ivy nang malamang ang mga iyon ay kamag-anak pala ni Eon sa mother at father side. Umawang ang kanyang bibig at napa tulala na lang. "Omo they’re a huge fam pala talaga," nasabi na lang niya. "Yup why?" tanong naman ni Ella. Lumunok siya at agad na umiling. "Hmm nothing naman…just kind of shocked. Oh gosh," aniya pa ulit habang hindi tinatanggal ang tingin sa lalaki. Kahit saan ito magpunta ay sinusundan niya ito ng tingin. She was just watching him from afar yet kilig na kilig siya sa mga gestures nito. Hindi niya rin talaga maintindihan ang sarili, e. She’s like a giddy teenager who's watching her crush from afar in an intramural game. Ni hindi niya alam kung bakit siya kinikilig sa mga galaw nito kahit na kung tutuusin wala naman itong ginagawa sa kanya. "Ivy, hija." Agad na nabalik lang siya sa reyalidad nang tawagin ng ama. Mabilis na tumayo siya at naglakad papunta roon. "Dad?" aniya sa mahinang boses. "Come here, hija, I'll introduce you to someone," sabi pa nito. Akala niya naman kung sinong someone iyon, huli na nang mapagtanto niyang ang nasa harapan niya ay ang pamilya ni Eonren, as in iyong buong pamilya nito. Nanlaki ang kanyang mga mata. 'Omg! Meet the family agad?! Di ako ready!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD