“Why do you suddenly want to come here, huh? May kikitain ka?” taas-kilay na tanong ni Ivo kay Ivy. Agad namang sumimangot si Ivy sa kapatid. Humalukipkip pa siya at nagkuros ng hita.
Sumandal siya sa backrest ng upuan at pinanatili ang tingin sa labas ng kotse. Hindi niya sinagot ang tanong ng kanyang kuya. Narinig niya pa itong umismid nang hindi nga niya sagutin. Umirap lang siya rito. Mananahimik na lang siya dahil kapag nagsalita pa siya ay paniguradong meron at merong masasabi ang magaling niyang kuya. Ayaw na lang niyang patulan ito, no.
Magla-lunch na nang umalis sila ng bahay kaya medyo traffic na sa labas. Ngumuso siya at pinanatili na lang ang tingin sa labas. Hindi na niya pinansin ang kuya niya hanggang sa makarating na rin sila sa golf club.
Inirapan pa siya ng magaling niyang kuya pagkarating. Ni hindi nga siya nito pinagbuksan ng pinto. Inirapan niya nga rin bago siya sumunod dito. Kinagat niya ang labi at agad na kinuha ang kanyang cell phone. Ch-i-nat niya ang mga kaibigan para ipaalam kung nasaan siya. Hindi niya alam kung anong pinagkakaabalahan ng mga iyon.
“Yow, Ivo!”
“What’s up, bro!”
“Uy bro! Welcome back!”
Iyon ang madalas na naririnig ni Ivy habang papasok sila ng golf club. Sinalubong ang kuya niya ng mga kaibigan nito noon sa school at iilang family friends nila. May mga batchmates pa nga siya roon, e.
“Hey, Ivs,” bati ng isang lalaking hindi niya naman talaga kilala. Tipid na nginitian niya lang ito. Napalakas yata ang boses ng lalaki kaya nagsilingunan tuloy sa kanya. Pati kuya niya ay napalingon sa kanila.
Kitang-kita niya ang pag-angat ng isang kilay nito sa kanya. Kinunutan niya rin ito ng noo kasi parang siya na naman ang nakita. Hindi niya naman alam kung bakit parang siya iyong may kasalanan kahit na wala naman siyang ginagawa roon.
“Hoy, tigilan niyo iyan, galit na si Ivo mga gago!” sambit pa ng isang lalaki naman na hindi niya pa rin kilala.
Umismid ulit ang kuya niya at nilingon siya. “Ivy, tara na,”sabi pa nito at protective na umakbay sa kanya. Hinila na siya nito paalis doon sa kumpol. Umismid lang ulit ang kuya niya. Nang tiningnan niya ito ay ngumisi pa siya rito. Kahit gaano kainis ang kuya niya sa kanya, sadyang hindi siya natitiis ng kanyang kuya. She’s still that brother who’s very protective of her. Sumandal na lang din siya sa balikat ng kapatid niya.
Nag-rent ng isang tambayanan ang barkada ni Ivo at doon lang siya pinaghintay ng kuya niya at maglalaro raw ito kasama ang mga kaibigan. Prenteng umupo naman si Ivy roon sa couch.
“Order anything you want,” bilin pa ni Ivo sa kanya kaya mas lalo siyang natuwa. Napapalakpak pa siya roon habang tinitingnan ang kuya niya at mga kaibigan nitong papunta na sa field.
Kung sinuswerte nga naman siya, o. Minsan lang mang-spoil iyong kuya niya kaya nilubos-lubos na niya, no. Kung ano-ano ang mga in-order niya roon. Literal na talagang in-order niya lahat ng gusto niyang order-in. Tuwang-tuwa pa siya sa mga in-order na pagkain. Prenteng sumandal siya sa likod ng sofa tapos ay kinuha ulit ang kanyang cell phone. Tiningnan niya kung may reply ang mga kaibigan niya pero wala namang reply ang mga ito. Sumimangot siya at saka napailing na lang.
Nag-scroll lang muna siya roon para i-distract ang sarili niya. Ilang saglit pa ay narinig niya ang tila hiyawan mula sa field kaya mabilis na bumaling doon ang kanyang tingin. Kumunot pa ang kanyang noo habang inaaninag kung anong pinagkakaguluhan ng mga lalaki. Ngumuso siya at saka tumayo pa para mas makita kung anong nangyayari roon.
“Eyy! Let’s go, bro!”
Nagkantyawan ang mga ito at tila may inaasar sa gitna. Kitang-kita ni Ivy ang magaling niyang kapatid na nakikisama sa kantyawan ng mga kaibigan. Ang akala nga niya noong una ay kuya niya ang nasa gitna. Turns out, hindi naman pala. Curiosity hits her even more. Dala ang kanyang cell phone ay umalis siya sa tinatambayan at marahang naglakad palapit sa kumpol ng mga lalaki pero nakakailang hakbang palang siya nang makita niya kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
Mabilis na napako siya sa kinatatayuan nang saktong lumingon din ang lalaki sa kanyang direksyon at sa pangatlong pagkakataon ay nagkatitigan sila nang mata sa mata. Napakurap-kurap pa si Ivy nang umawang ang kanyang bibig habang magkatitigan sila. Tila nag-slow mo ang kanyang buong mundo ng mga panahong iyon. Hindi niya alam ang gagawin at ni hindi niya alam kung paano siya kikilos dahil pakiramdam niya ay isang maling kilos niya lang ay matu-turn off ito. Gusto niya na lang tuloy kurutin ang kanyang sarili dahil kung ano-ano na lang ang mga iniisip niya. Kasi naman, no! Halos mahigit niyan na ang hininga habang nakatitig sa lalaki. Naghaharumentado na ang kanyang puso na hindi niya maipaliwanag.
Then that scary feeling then covered her chest.
‘s**t. Iba na yata ito, a.’
Nakagat niya ang labi at mabilis na nag-iwas na lang ng tingin. Parang robot na bumalik na lang tuloy siya sa tinatambayan niya kanina.
‘Hindi na ito maganda, Ivy! Oh gosh!’
***
Destiny, maybe. That’s what Ivy thought of all the times that he and Eonren meet in different places. Hindi niya alam kung bakit pero simula noong nakita niya ang picture nila ng lalaki noong sweet sixteen niya ay hindi na yata siya nito tinantanan kahit saan siya magpunta. Hindi niya rin talaga alam kung anong nangyayari at parang ganoon na lang ang mga nangyayari. Para talagang pinagtatagpo na sila ng tadhana at ganoon na lang ang mga nangyayari sa kanila. It was as if the universe was making a way for them to really meet within those places.
Ewan din ba ni Ivy kung bakit ganoon ang nangyayari. Konting-konti na lang talaga ay maniniwala na siya sa destiny-destiny na iyon, e. Or maybe she’s believing it already because after she went with her brother to the golf club, she found herself going back to the club almost every week.
Umalis na ang kuya niya at bumalik na ng Boston kaya sa daddy niya na lang siya laging sumasama. Natatakot na nga siya at baka makahalata ang daddy niya na palagi siyang tumatambay roon kahit na wala naman siyang ginagawa kundi ang magmasid. Kahit na gaano niya sabihin sa sariling hindi na dapat siya makialam pa sa lalaki at kahit na gaano siya nag-aalala sa mga nararamdaman niya kapag nakikita si Eonren ay hindi naman niya mapigilan ang sariling gustuhing nasa lugar siya kung nasaan ito. In fairness naman at kada punta ng daddy niya roon ay palaging nandoon din ang lalaki kasama ang iba’t ibang mga kaibigan nito. Minsan ang frat, minsan naman mga businessman yata na kasosyo nito o ano. Ewan niya, hindi niya rin talaga sure kasi never naman siyang lumapit sa mga ito.
Syempre, nahihiya pa rin siya no kahit na ilang beses na rin naman siyang inaaya ng kanyang daddy na ipapakilala siya sa mga ito. Siya lang talaga itong umaaayaw at nahihiya talaga siya rito. Parang gusto niya lang na iyong nasa iisang lugar sila pero ayaw niya talagang lumapit sa lalaki. Siguro may konting hiya pa siya sa katawan kaya ganoon. Ewan niya, basta ganoon ang nararamdaman niya. Gusto niyang sumasama sa golf club para makita ang lalaki pero ayaw niya namang magpakilala o lumapit man lang dito kasi nahihiya siya at pakiramdam niya ay gagawa na naman siya ng kahihiyan kaya kinontento niya na lang ang sarili sa mga panaka-nakang tingin niya kay Eonren na siyang nagdudulot naman sa kanya ng ibang klaseng pakiramdam. Sobrang naghaharumentado ang kanyang puso sa tuwing nakikita niya ang lalaki.
“Hey! Here!” nakangiting sambit niya sa mga kaibigan at kumaway pa sa mga ito. Agad na lumapit sina Wella at Ella sa kanya. Inayo niya naman ang couch para paupuin doon ang dalawa. “Hello guys,” masayang sabi nyia at bumeso sa dalawa.
Weird na tiningnan pa siya ni Wella.
“You look so happy, ha,” komento nito. Kumunot ang noo niya.
“Why? Bawal bang maging happy?” tanong niya pa.
Umirap lang si Ella sa kanya. “Duhh hindi iyon, no. It’s just that your happiness is weirding us out. And really? Here na naman sa golf club? Ano, main tambayan na natin ito, sis?” Sumalampak si Ella ng upo sa katapat na couch nila habang silang dalawa naman ni Wella roon sa isa.
Kumuha si Ivy ng iced tea nila at binigyan ang dalawa.
“So, dito lang muna tayo as usual? I mea dating gawi ba?” tanong ni Wella sa kanya.
Ivy shrugged and just crossed her arms. “Yup.” Tumango-tango pa siya sa mga ito.
Agad na nagbuntong-hininga ang dalawa. Inilingan pa siya ni Ella.
“My gosh, Ivy, nakakaloka ka naman. We’re really going to rot in here, no. Wala man lang tayong gagawin? Lang weekend na kaya tayong nandito lang at walang ginagawa, duhh.” Umirap pa ito sa kanya.
Nang tingnan niya si Ella ay nakasimangot na rin ito sa kanya. Well, she must admit that ginagamit niya rin minsan ang kanyang mga kaibigan kapag bored na siya rito. Sa tagal din naman kasi ng pag-stay niya rito sa golf club at patingin-tingin lang din naman siya kay Eonren ay wala na rin talaga siyang ginagawa. Kapag ganoon ay tinatawagan niya ang dalawa para puntahan siya rito at samahan kahit na wala rin naman talaga silang ginagawa. Hindi na rin niya masisisi ng dalawa kung bored na bored na ang mga ito. Napanguso na lang siya at agad na iniwas ang tingin sa mga ito. Lumunok pa siya at saka bumuntong-hininga.
“Wait nga, Ivy, let’s get real nga here, ano bang nangyayari at bakit panay ang punta mo rito, ha?” Naningkit ang mga mata ni Ella sa kanya.
She then felt Wella’s stares at them. “Hmm oo nga, is there something that we should know? Nang-iintrigang sabi pa nito sa kanya.
Lumunok ulit siya at mas lalong iniiwas ang tingin sa kanya.
“Uhmm nothing. I just want to be here? And I want to be with my dad? I mean, palagi siyang nandito so I figured na pwede rin ako here para bonding, di ba? Saka minsan naman Mommy’s with us.” Ngumisi siya sa mga ito at patay-malisyang uminom ng iced tea.
Narinig niya pang umismid si Wella sa tabi niya.
“Really Ivy? You’re not hiding anything from us?” may halong intriguing sabi ni Ella. Nang tingnan niya ang kanyang magaling na kaibigan ay nakakunot na ang noo nito sa kanya at makahulugang nakatitig.
Hindi pa rin siya sumagot dito. Panay pa rin ang pag kain at inom niya roon at nagpatay-malisya lang sa lahat ng mga nangyayari. Kahit na ginigisa na nga siya ng mga tingin ng kanyang mga kaibigan ay hindi pa rin siya nagsalita. Ilang saglit pa ay suminghap na si Wella sa tabi niya.
Nang tingnan niya ito ay nakatakip pa ang isang kamay nito sa bibig nito. Nang lingunin niya ito ay pinaglapat niya pa ang mga labi. Hindi niya pa rin sinasagot ang mga ito. Pabalik-balik na ang mga tingin niya sa dalawa. Kapwa naghihintay ang mga ito ng sagot niya pero hindi niya pa rin sinasagot. Inirapan na nga siya ni Ella at sinimangutan.
“My gosh, Ivy, ano nga? Am I thinking it right?” sabi pa ni Wella kaya napatingin siya rito.
“What are you talking about?” tanong niya pa rito. Umirap lang ulit si Wella.
“Oh come on, Ivy!” tila inis ng sabi ni Ella. Sa huli ay napaungot na lang si Ivy sa dalawa.
“Ughh fine,” pagsuko niya pa. Parang mga hayok sa chismis na tumingin naman sa kanya ang dalawa. Huminga ulit siya nang malalim sa mga ito. “I…uhm just want to see him… palagi kasi siya rito…” Kinagat niya ang labi at saka nag-aalangan pang nag-iwas ng tingin sa mga ito.
Halos sabay na nagsinghapan ang dalawa na para bang gulat na gulat sa sinabi niya. Wala siyang sinabing pangalan pero alam na agad ng mga ito kung sino ang tinutukoy niya.
“Omg iba na iyan!” si Ella.
“Damn I knew it!” si Wella naman.
Umirap lang siya sa mga ito. “Shut up, hindi naman, no. It’s just a crush, duhh! Lilipas din ito.
“Weh?”
Nanlaki ang gma mata niya rito.
“Oo nga!” defensive na sabi niya.
Pinaningkitan lang siya ni Wella. Ngumisi pa ito sa kanya. “Tsk. really, huh? Let’s see about that, Ivy joyce.”
“True!”
“Ugh, come on!”