"Ivy!" dinig ni Ivy na sigaw ng mga kaibigan niya. Doon siya tila natauhan at agas na nanlaki ang kanyang mga mata habang magkatitigan sila ni Eonren at nakaakap ang isa nitong kamay sa kanyang bewang. Mabilis na bumalikwas siya at nag-iwas dito.
"Sorry, Miss. Okay ka lang? I'm really sorry about that," sabi pa nito sa kanya.
Mas lalo lang natulala si Ivy roon, hindi makapaniwalang ilang metro lang ang pagitan nila ni Eonren Legaspi.
's**t. Is this even true? This is Eonren here in front of me! Oh my gosh! Nakakaloka!'
Naghaharumentado ang kanyang puso. Hindi na naman siya makagalaw roon. Para siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig sa lalaki.
"Ivy! Hey, girl, okay ka lang?"
Isang yugyog ang nagpagising sa kanya. Kumurap-kurap pa siya at agad na kinalma ang sarili. Nang tingnan niya ulit ang lalaki ay nakita niyang hinihila na ito ng mga kasamahan nitong lalaki.
"Bro, let's go na. Makita ka pa ng mga fans mo," sabi pa ng isa at saka ito tuluyang hinila palayo roon. Naiwan siya at ang kanyang mga kaibigan sa gitna ng mga nag-iingayang mga fans kuno ni Eonren.
Hindi makapaniwalang napatingin na lang sa mga babaeng nagsisigawan at na roon at nagtutulakan pa as if na papunta pa si Eonren doon kahit na umalis na naman ito kanina pa. Hindi niya na lang tuloy mapigilang umirap sa mga ito.
"Let's go na nga!" sabi pa ni Wella sa kanga at hinila na ulit siya paalis doon.
Bumuntong-hininga na lang siya at nagpatianod dito. Inis na naglakad sila hanggang sa makalabas na sila sa kumpol. Napailing na lang ulit siya at saka nagpagpag ng damit niya. Huminga siya nang malalim at saka pinaypayan ang sarili.
"Eonren looked like he is some celebrity. Nakakalerkey sila, sis!" komento pa ni Ella sa kanya.
Umiling at umirap lang si Ivy. Bumuntong-hininga naman si Wella sa kanya.
"I seriously don't know din, no. I mean, sis, he was famous noon pa man. Mas naging famous lang yata siya ngayon becausw of the hype and because he is now a school chapter master," sagot ni Wella.
Nakikinig lang si Ivy sa mga kaibigan niya. Habang naglalakad silang tatlo ay panay ang usap ng mga ito tungkol kay Eonren. Halos ikwento na nga lahat ni Wella sa kanya ang mula pa sa pagkabata ni Eonren. Hindi niya alam kung bakit pero curious na curious na tuloy siya tungkol sa buhay ni Eonren.
While the two were talking about Eonren, she was just listening and she couldn't help but thought about how she was crushing on Eonren before. Hindi niya alam pero pakiramdam niya talaga nabubuhay ang pagka-crush. And what's even worse was that she felt like it was not just a simple crush. Mas malalim, at mas mabigat iyon, parang hindi na lang siya ganoon kababaw.
's**t, what am I even thinking? Gosh.'
Wala sa sariling napangiti siya sa sarili. Agad na nagtinginan naman ang dalawa sa kanya. Ni hindi niya namalayang nakahinto na pala silang tatlo roon sa harapan ng building ng business.
"What?" tanong niya pa sa mga ito. Ngumuso si Wella sa kanya.
"Wala, you're weird. Para kang ewan diyan," sabi pa nito.
"Yeah, true. Why? Do you remember how you used to have crush on him?" asar pa ni Ella sa kaya.
Suminghap naman si Wella at niyugyog siya. "Omg! Bumalik iyong pagka-crush mo sa kanya?! Yiee!" Namula ang buong katawan niya sa sinabi nito kaya mas lalo siyang nawindang doon. Umiwas siya ng tingin sa mga ito.
"Hindi, a!" tanggi niya pa kahit na mas lalong nag-iinit ang kanyang pisngi. Halatang-halata sa kanya na nagsisinungaling siya pero hindi naman nagsalita ang mga ito kaya hinila na lang ulit niya ang dalawa papuntang building.
Pupunta na lang sila sa next class habang naghihintay ng oras. Pumwesto na sila sa loob ng classroom. Habang tumatambay sila ay panay pa rin ang chika ng dalawa. They were still talking about how Eonren was back in campus and in power and how the girls coming after him.
Tahimik lang naman si Ivy roon at hindi na nakisali pa. Nakikinig lang siya sa mga ito at pumangalumbaba na lang sa lamesa.
"But it's really scary how he can drag all those people." Wella chuckled. Natawa na rin si Ella.
"What do you expect? He maybe the youngest Legaspi, but he is also the mosr strategic businessman among them. Siya rin ang may pinakamaraming ganap here sa school. Being a Legaspi is already powerful, then he's affliated pa with the strongest frat in the school, gosh. I can't even na with his power, no."
"Yup. I know." Tumango-tango pa si Wella rito.
Ivy just pressed her lips together and stared at her friends alternately. Seryosong nakatitig lang siya sa mga ito habang nag-uusap ang dalawa at habang nakikinig siya sa mga sinasabi ng dalawa ay hindi niya alam pero may mga scenarios na pumapasok sa kanyang isipan. Hindi niya rin alam kung bakit tila bumubuo ng kwento ang kanyang isipan ng tungkol sa kanila sa pamamagitan ng mga description na sinasabi ng dalawa sa mga kwento nila. She just found herself smiling for no reason then. Tila nawala ang kanyang pakialam na hindi lang siya mag-isa roon. Noong maramdaman niya ang pagtingin ng dalawa sa aknya ay saka lang niya na-realize kung anong nangyari sa kanya.
“Are you okay, Ivy?” takang tanong ni Wella sa kanya.
“Yes, you look weird, Ivy, are you really okay?” segunda naman ni Ella sa kanya.
Agad na napakurap-kurap siya ng mga mata at tila nabalik sa reyalidad.
“Uhh, h-huh? I-I’m fine nga,” sabi niya pa.
Inirapan na siya ni Wella dahil doon. “Oh, come on, Ivy, you don’t seem okay. You’re spacing out a lot.”
“Oo nga, come on, we know you. You don’t look okay, Ivy,” sabi pa ni Ella sa kanya. Napalunok na lang si Ivy at saka napabuntong-hininga. Lumunok pa siya at saka nag-iwas ng tingin, hindi alam kung anong sasabihin.
Akmang magsasalita na siya nang bigla namang magsipasukan ang mga kaklase nila. For some reason halos sabay na pumasok ang mga kaklase nila sa class na iyon. Di nga niya alam kung anong nangyari at parang nag-usap pa ang mga ito na sabay-sabay pumasok. At dahil nga dumami na ang mga tao at kung sino-sino na lang din ang kumakausap sa kanila. Wala na rin tuloy silang choice kundi ang tumigil sa pag-uusap at asikasuhin na ang mga kaklase nila bago magsimula ang klase. Saktong ilang minuto ang lumipas at dumating na rin ang professor nila kaya mas lalo silang nawalan ng time para makapag-usap. Nakinig na lang muna sila sa discussion. Kailangan pang pilitin ni Ivy ang sarili para lang hindi na siya ma-distract pa tungkol kay Eonren.
That class lasted for about two hours, so may mahigit two hours din si Ivy na ma-distract kay Eonren kasi pagkatapos ng klaseng iyon ay may vacant na naman silang half an hour bago ang kanilang last class. Iyon na rin ang lunch nila kaya after ng klaseng iyon ay dumiretso silang cafeteria para kumain. They would usually go out for lunch since nakakaumay rin naman ang mga pagkain sa cafeteria, but since thirty minutes lang ang vacant nila, practical na roon lang sila kumain para hindi na sila magahol pa sa oras.
Eonren’s comeback to the campus was the hot topic for every department, idagdag pang sa cafeteria na iyon din kumain ang fratmen. Wala si Eonren doon pero siya ang pinag-uusapan ng mga tao. Dinig na dinig ni Ivy ang mga impit na hiyawan ng mga babae kapag pinag-uusapan ng mga ito si Eonren. Hindi niya rin alam kung bakit pero natagpuan na lang niya ang sariling nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga tao kahit na sinasabi niya sa sariling hindi na siya magpapa-distract kay Eonren. There’s just something about the mention of his name that drews her attention to it.
She bit her lip and just focused on her plate. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses niya nang pinagagalitan ang kanyang sarili sa isip dahil sa mga iniisip niya.
‘Oh my gosh ka, Ivy Joyce, ano ba iyang pinag-iisip mo?!’
Napalunok na lang tuloy siya at mas binilisan pa ang pagkain. Isang mabigat na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan dahil naririnig niya na naman ang pangalan ni Eonren at nadi-distract na naman siya. Kailangan niya na naman ulit ibahin ang kanyang atensyon sa mga ito para hindi na siya makapag-isip ng kung ano-ano. Ni hindi na nga niya tinapos ang kanyang kinakain at umalis na rin siya roon.
“Where are you going?!” halos sigaw ni Wella sa kanya nang basta na lang siyang tumayo at iniwan ang mga ito.
Sumenyas lang siyang may pupuntahan siya at ipinakita pa ang cell phone na para bang may kausap siya or something kahit na wala naman talaga. Binilisan niya na lang ang lakad at lumabas na ng cafeteria. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, sa totoo lang. Gusto niya lang talagang makalayo roon dahil pakiramdam niya ay mapupuno siya ng Eonren sa utak dahil siya na lang ang laman ng bibig ng halos lahat ng mga estudyante roon.
Dala-dala ang kanyang tote bag ay nagpadala na lang siya kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa. Hindi niya talaga alam kung saan siya pupunta. Natagpuan na lang niya ang sariling naglalakad papunta sa open field kahit na sobrang tirik ng araw at nakaka-sunburn iyon. Kinuha niya ang kanyang shades at saka baseball cap. For some reason, parte iyon gn outfit niya nang araw na iyon at tinago lang talaga niya para hindi masyadong hassle.
Nasa kalagitnaan siya ng field nang maisipan niyang pumunta sa isang bench na malapit sa isang lilim ng malaking puno. May mangilan-ngilang tao roon pero may isang bench naman na malaki ang bakante kaya naglakad siya papunta roon. Doon siya umupo at huminga nang malalim habang nakatingin sa malawak at berdeng field. Pumikit pa siya para langhapin ang malamig na hangin. Kahit na open field ito at sobrang tirik ng araw ay maraming puno naman ang nakapaligid kaya malamig pa rin ang hangin na nararamdaman dito.
She took a deep breath to calm herself down. Kinuha niya ang kanyang bag at niyakap ito bago siya muling huminga nang malalim. Mga ilang segundo rin siyang nanatili sa ganoong posisyon bago siya tuluyang dumilat. Saktong pagdilat niya ay may tatlong lumapit sa kinalalagyan niya. Nagtaka pa siya noong una at akala niya ay siya ang sadya ng mga ito pero hindi naman pala.
“Bro, hinahanap ka na sa headquarters,” sabi ng isang lalaki sa lalaking nakahiga sa kabilang dulo ng bench na kinauupuan niya. Napatingin din tuloy roon si Ivy. Ginising noong ibang kasama ang nakahigang lalaki at agad naman itong bumangon. Narinig niya pa itong umismid.
“What’s with them? Hindi naman ako aalis. Mamaya pa. Tsk.” Umiling-iling pa ito at nagpagpag ng gamit. Nanatili ang tingin ni Ivy sa lalaki hanggang sa bigla itong bumaling sa kanya at nagkatitigan sila.
Sa likod ng kanyang suot na shades ay nanlaki ang mga mata ni Ivy. Hindi niya alam kun guni-guni niya lang iyon pero nakita niyang ngumisi si Eonren sa kanya bago ito tuluyang tumayo at nagpatianod na sa mga kaibigan.
Nalaglag ang panga ni Ivy at natulala na lang papalayong mga lalaki. Tila naging late ang kanyang reaksyon at ilang metro na ang layo ng mga ito nang mapasinghap siya at maitakip ang isang kamay sa bibig.
“Oh my gosh… not again?! s**t!”
***
Those weekdays were stressful for Ivy. For some reason ay parang kada lingon niya sa paligid ay nakikita niya si Eonren at kada mangyayari iyon, kung hindi siya natutulala, gulat na gulat naman siya. Mas nadagdagan na tuloy ang listahan niya ng mga embarrassing moments sa harap ng lalaki.
Napahilamos na lang siya sa mukha at doon mahinang umungot. Naalala na naman kasi niya ang mga katangahang nagagawa niya kapag nasa harapan siya ni Eonren. Ay ewan niya na lang talaga.
“Okay ka lang? O, ito, cookies, padala ng ninang Jasmin mo.” Napaangat lang siya ng tingin nang marinig iyon. Napanguso pa siya nang makita ang inang nasa kanyang harapan at nilalapag ang meryenda nila.
Nasa living area nila sa itaas ngayon ng mommy niya. Wala naman kasi silang lakad pareho kaya nag-bonding na lang muna sila sa pamamagitan ng panonood ng TV. Tipid na nginitian niya lang ang ina para hindi na ito magtanong pero ano nga bang alam nito.Ito ang nagluwal sa kanya kaya alam na alam niyang mapapansin nito kung may tinatago siya o wala. Ganoon pa man ay nagbakasakali pa rin siyang madadala niya ito sa ngiti pero tumitig lang ito sa kanya bago umupo sa tabi niya.
“Hmm who's the boy?” diretsong tanong nito sa kanya. Agad na nanlaki ang mga mata niya.
“Mommy! Boy agad?!” gulat na tanong niya pa.
Tinawanan lang siya nito at inilingan. “Hay nako, Ivy, sa edad mo ngayon, normal lang iyang magkaproblema ka sa lalaki,” sabi pa nito at tinapik siya sa likod na para bang naiintindihan siya nito. Napalabi na lang tuloy siya rito. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi.
“Mommy…” tanging nasabi niya lang.
Ngumiti lang ang kanyang mommy sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. “Anak, wala namna kaso iyan sa akin, e. Pwede mo akong kuwentuhan. Makikinig ako sa’yo,” sabi ulit nito. Ngumuso lang siya. Gusto niya rin talaga sanang magkuwento pero parang pakiramdam niya ay hindi niya pa rin kaya lalo pa at hindi niya naman talaga alam kung anong nararamdaman niya sa lalaki.
Ngayong sinabi iyon ng mommy niya ay mas naging confused pa tuloy siya. Sa huli ay kinagat niya na lang ulit ang kanyang labi at yumakap na lang sa kanyang ina.
“Hay, Ivy,” sabi pa nito at mas niyakap din siya. Nasa ganoon silang posisyon nang biglang dumating ang kuya niya. Napakunot pa siya ng noo nang makita ang get-up nito.
“Saan ka, Kuya?” tanong niya pa rito.
“Golf,” bored na sagot nito at pinapaka ng cookies nila.
Nagliwanag ang mukha ni Ivy at agad na napabalikwas ng upo.
“Sama!” excited na sabi niya. Agad na tiningnan siya ng kapatid.
“And why?” taas-kilay nitong tanong.
Kinagat niya ang labi.
“Uhmm I'm bored?” nagdadalawang-isip na sabi niya at agad na nilingon ang ina. “That’s not what I mean, Mommy, ha? I mean, hindi ako bored na kasama ka…it’s just that…” Hindi niya natapos ang sasabihin at ramdam na ramdam niya pa ang titig ng magaling niyang kuya.
Tila gets naman agad ni Ivory ang kanyang sinasabi kaya mas lalo lang itong ngumisi sa kanya. Umiling pa ito tapos ay tinapik siya sa balikat. “Sige na, umalis na kayo ng kuya mo.”
Mas lalong sumaya si Ivy. Tiningnan niya ulit ang kapatid.
“Please?” pa-cute niya pa rito. Umismid lang si Ivo sa kanya.
“Tsk. Weird mo. Huwag kang magulo roon, despidida ko iyan kasama ng mga kaibigan ko,” warning pa nito. Sumimangot lang siya rito.
“Oo na! Hmp!”