Chapter 1

1944 Words
“Yiee, Ivy, stalking her crush na naman!”  Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Ivy at agad na pinandilatan si Ella. “Hindi, a! Napadaan lang siya sa newsfeed ko!” depensa niya pa. Sinimangutan niya pa ang dalawa na sayang-saya naman sa pang-aasar sa kanya.  Nasa field sila ng Clarke High School dahil kasalukuyang break nila ng mga kaibigan niya. Patapos na rin kasi ang school year kaya bale nagpa-practice na lang sila for moving up ceremony. May mga sementong benches doon na nasa silong nga mga malalaking kahoy kaya doon muna sila tumambay habang naghihintay na mag-resume iyong practice.  May wifi ang buong school grounds kaya kahit saan sila ay nakakapag-scroll sila sa mga social media sites. Nagso-scroll lang naman siya sa f*******: newsfeed niya nang makita niya ang mga posts ni Eonren, kaya ni-like niya ang mga iyon. Hindi niya napansin na ang mga magagaling niyang kaibigan ay nakadungaw na pala sa kanyang ginagawa. Naghagikhikan pa ang dalawa.  “Hay nako, Ivy. We’re sanay na sa’yo, no. You’ve been crushing on Eonren since last year, and we know that you’ve been following him on every social media site. Okay lang iyan, sis,” asar pa ni Ella sa kanya na sinundan din ng pangangantyaw ni Wella.  Sinamaan niya ng tingin ang dalawa. “Stop it na nga! I’m not a crazy stalker, no. Crush ko lang siya, that’s is. I’m not like the super crazy girls, no,” sabi niya pa at umirap na. Palagi kasi siyang tinutukso ng magagaling niyang mga kaibigan.  “Fine, fine, Ivy. Whatever you say.” Naghagikhikan ulit ang dalawa. Napairap na lang ulit siya sa mga ito.  Napailing na lang siya at in-off na rin ang kanyang cell phone. Ilang minuto pa silang nanatili roon hanggang sa narinig na nila ang bell na hudyat para bumalik na sila sa practice. Alas-kwatro ng hapon nang matapos sila sa practice nila.  “Bye!” Kumaway si Ivy sa dalawang kaibigan bago tuluyang tumakbo papunta sa kanyang service na naghihintay na sa kanya.  Noon pa man ay may service na talaga sila ng kapatid niya. Minsan nga lang ay hindi sumasabay si Ivo sa kanya dahil maraming co-curricular activities ang kanyang kapatid at madalas ay kasama naman nito ang mga kaibigan at si Zachi na bestfriend nito. Gaya ngayon, mukhang hindi na naman ito sasabay sa kanila.  “Manong, si Kuya, hindi na naman sasabay?” tanong niya sa driver nila.  “Hindi, Ivy,” sagot naman nito.  Ngumuso lang siya at saka tumango na rin. Isinandal niya na lang ang kanyang likod sa upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Ilang minuto lang ay huminto na rin ang kanilang sasakyan. Agad siyang sinalubong ng mayordoma nila.  “Hello po, Yaya!” bati niya rito.  “Hello rin, Ivy! Nakahanda na ang dinner niyo. Nandiyan na rin ang mommy at daddy mo,” anito sa kanya. Tumango lang naman siya rito at saka tumuloy na rin sa loob. Pinadala niya ang kanyang bag sa mayordoma nila habang siya ay dumiretso na sa opisina ng mommy at daddy niya. Doon kasi naglalagi iyong dalawa bago sila mag-dinner. Baka naglalampungan na naman ang kanyang parentals doon.  Napailing na lamang siya at kumatok nang tatlong beses.  “Mommy? Daddy?” tawag niya pa bago dahan-dahang binuksan ang pinto.  “Yes, come in, Ivy,” anang kanyang ama kaya tuluyan na niyang binuksan ang pinto.  Sumalubong sa kanya ang daddy niya na kasalukuyang nakaharap na naman sa laptop nito. Ang mommy niya naman ay nasa may sofa ng opisina at may ginagawa rin sa cell phone nito.  “Hello, Mom and Dad!” bati niya sa mga ito. Agad na tumigil sa ginagawa ang kanyang ina at ngumiti sa kanya.  Mabilis din siyang lumapit dito at bineso ito. “Kuya mo?” tanong pa ng mommy niya. Nagkibit-balikat lang siya at saka dumiretso naman sa daddy niya.  “I’m done here, Ivory. Dinner na tayo?” tanong pa ng ama niya at saka tumayo na at niyakap siya. Nakaakbay ang daddy niya sa kanya nang hinarap nila ang kanyang mommy. Bumuntong-hininga lang si Ivory at tumayo na rin.  “Iyong binata mo, wala pa,” anito.  Bumuntong-hininga lang ang kanyang ama. “Ivo’s big now, hon. Kaya na noon ang sarili niya. Isa pa, nagpaalam naman sa’yo, hindi ba?” tanong pa nito.  Bumuga lang ng hininga ang kanyang ina at saka lumapit na rin sa kanila. Natawa na lang siya rito. Pinagitnaan pa siya ng dalawa at sabay silang lumabas ng opisina at dumiretso na sa dining area.  Ang daddy niya ang nakaupo sa may pinakadulong upuan ng lamesa tapos ay nasa magkabilang gilid nito silang dalawa ng mommy niya.  “Ivy, you should plan for your birthday already. Ilang linggo na lang din iyon, hindi ba?” panimula ng daddy niya habang kumakain na sila.  Ngumuso siya. “E, Dad, okay lang ba kung mag Sweet Sixteen celebration ako? I mean, iyong parang debut party ko na, but sixteen nga lang. Will that be okay?” Abot-tengang ngiti ang kanyang pinakawalan.  Kumunot naman ang noo ni Xamuel. “Why?” “Hmm, gusto ko lang pong ma-experience kung paano mag-debut.” Mas lalong kumunot ang noo ng kanyang ama. “At bakit pa? Magde-debut ka naman pagka-eighteen mo.” Kinagat niya ang kanyang labi. Napatingin pa siya sa kanyang ina na nakangiti lang sa kanya. Sinabi na kasi niya ito sa ina at wala naman itong problema basta sabihin na lang nito sa daddy niya.  Binalingan niya ang ama at ngumuso ulit siya rito. “E, Dad, ayoko na po sana kasing mag-debut. Gusto ko pong mag-travel na lang pagka-eighteen ko, kaya I want to experience sana kung anong feeling niya sa sweet sixteen ko na lang. Okay lang po ba iyon?”  Nakagat niya ang kanyang labi. Sandaling tumitig pa ang kanyang ama sa kanya na para bang pinag-aaralan kung ano na namang pumasok sa isip niya at iyon ang gusto niya. Maya-maya ay binalingan nito ang ina niya na nagkibit-balikat lang naman. Sa huli ay bumuntong-hininga lang ito at tiningnan siyang muli. “Okay, fine. Talk to you Tita Jasmin about what you want. Siya naman palagi ang nag-aasikaso ng mga selebrasyon dito,” sabi nito.  Malawak ang naging ngiti niya sa labi. “Thank you, po!” pigil ang excitement na sabi niya pa rito, hindi pa rin natatanggal ang ngiti. Napailing na lang ang kanyang ama sa kanya.  Sobrang saya naman niya nang gabing iyon to the point na muntik pa siyang magsisigaw sa kanyang kwarto nang ibalita niya iyon sa dalawa niyang kaibigan.  She’s going to have her sweet sixteen ball party, and since princess ang gusto niyang theme, kailangan na niyang humanap ng prince. Isa lang naman ang nasa isip niyang prince, e.  Nakagat niya ang kanyang labi habang tinitingnan ang picture ng lalaking isang taon na niyang hinahangaan. ‘Sana naman pumayag ka. Escort lang naman, e.’ **** Dahil busy sa moving-up, hindi na muna inabala ni Ivy ang kanyang sarili sa kanyang sweet sixteen na party. Hinayaan na muna niyang ang Tita Jasmin niya ang umasikaso ng lahat. Nang tuluyan nang matapos ang kanilang school year ay saka lang siya sumali sa preparasyon. Sobrang excited na niya dahil parang debut talaga niya ang kanilang pinaghahandaan.  “Yiee! Super excited ka na siguro sa gown mo, no?” excited na tanong ni Wella sa kanya habang tumitingin sila ng mga damit sa magazine.  Nasa waiting room sila ng stylist ng daddy niya dahil may fitting siya ngayon sa gown. Never niya pa itong nakita sa personal kaya super excited talaga siya. “Ay nako, may alam ako kung saan mas excited si Ivy. Yiee!” sabat pa ni Ella na agad nilingon ni Ivy. “Anong pinagsasabi mo?” tanong niya pa rito.  Tinawanan pa siya ng magaling niyang kaibigan. “Sis, alam ko namang mag excited ka sa escort mo kaysa sa gown mo, no!” sabi nito. Napasinghap pa si Wella na parang noon lang din na-realize iyong tungkol sa escort niya.  Nag-apir-an pa ang dalawa tapos ay nagsigawan. Napanguso na lang siya sa mga ito.  “Ang ingay niyo, nakakahiya! Stop it nga. Hindi naman ako sure kung pumayag siya, e. ‘Di ko nga alam kung sinabi ni Kuya iyong sabi ko.” Mas tumulis ang kanyang labi. Dahil close ang kuya niya at si Eonren, dito niya ipinaabot ang request niyang maging escort niya sana ang lalaki. Kaso, hindi niya alam kung sinabi nga ng kanyang magaling na kuya dahil noong sinabi niya rito ang request niya at tinawanan pa siya nito. Makailang beses nga niyang kinulit ito bago ito pumayag. Ewan talaga niya kung sinabi nga ng magaling niyang kuya iyon.  Ayaw na lang tuloy niyang mag-expect pa, baka masaktan lang siya, no. Okay lang naman kung wala rin siyang escort. ‘Di naman  iyon problema sa kanya.  Napabuntong-hininga na lang siya at saka isinandal ang kanyang likod sa upuan.  “Aww, okay lang iyan, sis. I mean, duhh, it’s your party! Enjoy ka na lang, no!” sabi ni Wella.  “Yes, yes!” segunda naman ni Ella. Tipid na nginitian niya lang ang mga ito.  Naging maayos naman ang kanilang fitting. She loved her gown so much. As in, iyon talaga ang in-expect niyang maging outcome nang makita niya ang drawing ng designer nila rito. Kaya ayon, despite the fact na medyo disappointed siya dahil sa walang kasiguraduhang escort niya ay masaya pa rin siya.  Planado na ang lahat. Naghihintay na lang talaga sila sa araw ng kanyang birthday. Nang dumating na nga ang kanyang birthday ay halos hindi na siya mapakali lalo na noong isang napakagandang balita ang natanggap niya mula sa kanyang kuya.  “So, si Eonren nga ang escort mo?” nanlalaking mga matang tili ng dalawa niyang kaibigan na noon ay nasa kanyang kwarto na at naghahanda na rin.  “Oh my gosh, Ivy!” tili pa ulit ni Wella at nilapitan na nga siya ng dalawa para yakapin.  Pigil-pigil niya ang kanyang pagngiti para hindi mahalatang sobrang excited niya naman. Pero para talagang nagkakarera na ang kanyang puso sa sobrang lakas at bilis ng t***k nito na halos lumabas na sa kanyang dibdib.  Akala niya talaga hindi sinabi ng kuya niya ang request niya kaya sobrang saya niya lang nang sinabi nito sa kanya na pumayag nga si Eonren na maging escort niya. Dream come true na nga talaga itong sweet sixteen niya.  **** “And now, for our last dance, please welcome Mr. Eonren Legaspi.” Nag-iba ang tugtog ng orchestra at halos sumabay na sa music ang lakas ng pagtibok ng puso ni Ivy. Parang nag-slow motion ang kanyang buong paligid habang palapit nang palapit sa kanya si Eonren na may dalang red rose.  He looks more dashing in his three-piece gray suit na pinaresan ng pastel pink na necktie na terno pa pala sa kanyang damit.  Nang nasa harapan na niya ito ay napabuntong-hininga na lamang siya. Nanginginig ang kamay na tinanggap niya pa ang rose mula rito. Kabadong-kabado rin siya nang ilapat na niya ang dalawang kamay sa balikat nito para magsayaw. “Happy birthday, Ivy,” sambit nito na may kasamang ngiti.  Simple lang naman iyon pero parang tumalon ang kanyang puso. Hindi pa agad siya nakapagsalita at bahagya pa siyang nautal. Natawa na lang tuloy siya sa sarili.  “Sorry, uhm, thank you pala sa pagpayag…” Nakagat niya ang labi. Nagsi-sway pa rin silang dalawa. Ngumisi lang si Eonren sa kanya. “No problem, Ivy.” Iyon lang ang sinabi nito pero pakiramdam niya ay buo na ang gabi niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD