It’s been years since that sweet sixteen party, and Ivy couldn’t help but smile upon seeing their picture that night. Nakagat niya ang labi habang nakatitig sa mga polaroid na kanyang sino-sort. Nasa kama niya siya ngayon at kaharap ang kanyang mga box noong teenager pa siya. Nagdi-declutter kasi siya ng kanyang closet nang makita niya ang mga bagay na iyong nakatago. Upon seeing those, she suddenly felt a bit nostalgic.
Hindi pa rin mapigilan ni Ivy ang mapatitig sa picture na hawak niya. She couldn't take her eyes off their picture. Kanina niya pa pinagmamasdan ang lalaking kasama niya roon. She was wearing her magnificent gown while holding her roses. Sa kanyang gilid ay ang isang lalaking naka-tuxedo at nakangiti rin sa camera. He looked more mature than her. Mas matanda nga naman ito ng ilang taon sa kanya. Halos ka-batch lang kasi ito ng kuya niya. Hindi niya lang sure kung ilang years itong ahead sa Kuya Ivo niya pero kasama ito sa circle ng kanyang kapatid lalo pa at magka-brod ang mga ito. Nakagat niya ulit ang labi habang nakatitig sa lalaki. Hindi niya alam pero kahit ang tagal ng panahon iyon hindi pa rin nababawasan ang pagka-crush niya sa lalakli.
After all these years, akala nga niya nakalimutan na niya ang lalaki. Matagal na rin kasi silang hindi nagkikita, matagal niya na rin itong hindi nakikita sa school at maging sa mga business event na dinadaluhan nila ng pamilya niya, so she honestly doesn’t know any update from him. Ngayong nakita niya ulit ito sa picture, ewan niya, pero parang bumalik sa kanya ang mga moments noong sweet sixteen niya tapos pakiramdam niya bumalik yata ang pagkaka-crush niya rito, e.
‘Kumusta na kaya siya? I haven’t seen him for years, grabe. Mas guwapo na siguro ito ngayon.’
Nakagat ni Ivy ang labi. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi nang ma-imagine niya ang isang mas mature at mas matipunong Eonren ngayon. Parang tangang napapangiti lang siya roon na para bang isang batang kinikilig sa crush niya. Her eyes widened in horror upon realizing why she was acting like that. Marami na siyang mga naging crush simula pa yata elementary pero lahat naman ng mga iyon, literal na dumaan lang at nawala rin naman ang paghanga niya, pero ito siya ngayon, nagre-revive ng kanyang teenage years na crush.
Naitakip niya na lang ang dalawang kamay sa kanyang mukha at doon nagsisigaw. Sobrang pula na siguro ng mukha niya dahil ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya at buong katawan niya pa nga yata.
‘Ano ba naman iyan, Ivy! Nakakaloka ka!’
“Ivy.”
Mabilis pa sa alas kwatrong napabalikwas ng upo si Ivy at agad na inayos ang mukha.
“Kuya!” gulat na sabi niya dahil bigla na alng bumukas ang pinto ng kanyang kuwarto. Bumungad sa kanya ang kuya niyang nakakunot ang noo sa kanya at nakahawak pa sa doorknob ng kanyang pinto.
“Are you okay? Parang nakakita ka ng multo,” sabi pa nito.
Napalunok pa siya rito at ni hindi na makatitig sa kanyang kapatid. Mabilis dumako ang tingin ni Ivo sa mga kahong nasa harapan niya. Her brother, being the judger that he is, immediately went through her things. Agad namang dumako ang tingin ni Ivy doon at liligpitin niya na sana ang mga gamit pero mas mabilis ang kuya niya na kinuha ang mga pictures niya.
“Kuya!” Akmang aabutin niya ito para kunin pero agad namang itinaas ni Ivo para hindi niya maabot. Napairap at napaungot na lang siya sa inis. “Kuya Ivo!” sigaw niya pa, sinasamaan na niya ito ng tingin.
“Tsk. Ano na naman itong mga kalat mo, Ivy,” sabi pa nito sa kanya. Napaawang ang labi niya habang nakatingin sa magaling niyang kapatid.
“Kuya nga! That’s memories, bakit ba!” Humalukipkip pa siya rito. Umupo si Ivo sa kanyang kama at saka tinaasan siya ng kilay. Naningkit pa ang mga mata nito sa kanya kaya siya naman ang nag-angat ng kilay rito. “What? What’s with the face, Kuya?” tanong niya rito.
Humalukipkip naman si Ivo at saka tiningnan siyang mabuti. “Why are you staring at Eonren’s photo?” tanong pa nito.
Napaawang ag bibig niya rito. “Oh my gosh, Kuya, ano naman ngayon if I was looking at it? Gosh, Kuya, ha,” reklamo niya pa sabay irap dito. Mas lalong nangunot ang noo ni Ivo sa kanya.
“Cause you look like a teenager hovering about her crush. Tell me, Ivy. May crush ka pa rin ba kay Eon?”
Hindi na napigilan ni Ivy ang panlalaki ng mga mata habang nakatitig sa kanyang magaling na kapatid.
“W-What?!”
She almost cursed herself when she stuttered. For sure kasi, kung ano-ano na naman ang iniisip ng kapatid niya. Lalo lang nakumpirma ang hinala niya nang makita ang mukha ni Ivo na halatang nang-iintriga. Maya-maya pa ay umismid na ang kapatid niya. Ni-ready na niya ang kanyang tenga sa kung ano mang sermon nito. She made a glare in her brain.
“I didn’t comment about your fascination with him way back because you were a kid.”
Mas nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabi nito. Fascination talaga?! “Oh god, Kuya! I don’t fancy him that much, okay! Grabe ka naman sa akin! It was just a simple crush! That’s it!”
Umirap lang ang kuya niya. “But now that you’re an adult, I am telling you, Ivy, drop it. He’s a heartbreak waiting to happen,” malamig na sabi nito na tila ba hindi naman narinig ang nauna niyang sinabi.
Napaungot na lang siya at nasapo ang kanyang ulo. “My gosh, Kuya, I was just looking at some pictures. Nakakaloka ka!” Hinablot niya ang hawak na mga picture ni Ivo. Inirapan pa siya nito bago ito tumayo. Nakahalukipkip pa rin ito sa kanya habang nakatitig sa kanya na parang agila. Inayos niya na lang ang mga gamit niya para hindi na mapraning ang kanyang kuya. Nagdi-declutter lang naman talaga siya,e, iyong magaling niyang kuya ang kung ano-ano ang iniisip. Naloloka na rin tuloy siya rito.
Napaungot na lang siya at napailing habang sinasalpak sa box ang mga pictures at iba pang mga memorabilia noong sweet sixteen niya. Tinikom niya na lang ang bibig at sa reaksyon ng kuya niya kanina, mukhang magiging hadlang ito sa kanyang love life.
‘Gosh, Ivy? Love life talaga? Hindi mo naman gagawing boyfriend iyon. Crush lang! As if naman papatulan ka rin noon. Halata namang di ka type!’
Napapikig siya saglit at umiling na lang. Tinapos niya ang pagliligpit ng mga gamit. Nang kukunin na niya ang mga box at ibabalik na sana sa kanyang closet ay napatingin ulit siya sa kanyang kapatid. Napaangat pa ang kanyang isang kilay nang makitang nakaititg pa rin ang kapatid niya sa kanya. Titig pa lang nito pakiramdam niya naja-judge na naman siya. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo.
“Seriously, Kuya? Ano na naman? Nagdi-declutter lang ako, kung ano-ano na ang sinasabi mo. Makatingin, ha.” Sumimangot siya rito.
“Tsk.” Ginulo lang ni Ivo ang buhok niya kaya umungot ulit siya rito.
“Buhok ko!”
“Baba na, kakain na,” sabi pa nito bago tumalikod sa wakas. “Dalian mo, Ivy,” utos pa nito na mas ikinasimangot niya. Napairap at iling na lang ulit siya. Dinala niya na lang ang mga box pabalik sa walk-in closet niya. Nilagay niya iyon sa ilalim tapos ay lumabas na rin siya at tumakbo pababa. Baka balikan na naman siya ng magaling niyang kuya.
“Hello, fam!” masayang bati niya pa pagkababa. Nasa dining area na nila ang mga magulang niya at ang kuya niyang binabantayan na naman siya. Napailing na lang siya rito bago pa man ito mag-comment. Tumabi na siya sa mommy niya. Nginitian pa siya nito at nilagyan ng kanin sa plato niya. Mas napangiti siya rito.
“Thanks, Mom!”
“Welcome,” her mother said sweetly. Kahit na hindi na siya bata, kung tratuhin siya ng ina ay ganoon pa rin. Her mother is really sweet and very kind. Sa kanilang apat ito ang pinaka kalmado at soft spoken. Iyong dalawa kasi nilang lalaki ay mga intense. Pero infairness naman at kahit na ganoon ang daddy niya ay masasabi niyang daddy’s girl siya.
“Ivy, I’d like to know what your plan is after college. Gagaya ka ba sa kuya mo? Are you going to pursue master’s?” tanong ng daddy niya. Pinaglapat niya ang mga labi habang nakatitig sa sinigang na nasa harap. Na-corner na naman kasi siya ng daddy niya. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo.
She’s still in her third year college and her brother is in his first year in master’s. Sa Boston ito nag-aaral at umuuwi lang pag may family affairs o pag bakasyon or holidays. Ngumuso siya at saka nagsandok ng ulam.
“I don’t know pa, Dad. Hmmm I’ll think about it, pero if ever na magma-Master’s ako, baka rito na lang din. Ayokong lumayo pa, no,” sagot niya pa.
Naramdaman niya agad ang tingin ng kanyang kapatid. Magkatapat kasi sila ng upuan kaya ramdam niyang nakatitig ito sa kanya.
“Why not? The US still has the best business schools, Ivs,” anito.
Mas ngumuso siya. “Alam ko, but we have it here rin naman. Plus, there are a lot of business children na di naman nagma-master’s, diretso salang na.” Sumubo na siya ng kanin.
Narinig niya ang pabuntong-hininga ng ama. “I know, hija, but it’s still better to take master’s for more knowledge and experience. The things you will learn help you more the moment you enter the company.”
Hindi na siya nagsalita pa at sunod-sunod na lang na sumubo. Natahimik ang buong hapakainan at tanging mga tunog na lang ng kubyertos ang naririnig. Ilang saglit pa ay tumikhim ang mommy niya.
“Hmm third year pa naman si Ivy, Xamuel. Marami pang oras para mag-isip,” dinig niyang sabi nito. Doon siya nag-angat ng tingin at nagkatitigan pa sila ng mommy niya.
“Thank you, mom,” she mouthed and her mother just smiled at her sweetly. In the end, her father just sighed and nodded. Nakahinga siya nang maluwag dahil naalis na sa kanya ang hotseat. As expected, kuya niya naman ang ginisa ng daddy niya at nabalitaan nitong nag-party lang naman ang magaling niyang kuya at pumasok ng lasing.
Pigil-pigil niya lang tuloy ang ngiti at baka maimbyerna ang kapatid niya. Ginawa niya na lang popcorn iyong kanin at ulam habang nakikinig sa kapatid at ama niya. Ang mommy niya naman ang nagsisilbing mediator lalo na kapag nagkakainitan ang dalawa. Kung siya daddy’s girl, ang kuya niya naman ang mommy’s girl kaya ayan abogado nito ang mommy nila. Napailing na lang siya.
Pagkatapos ng mahabang lunch ay bumalik na rins iya sa kanyang kwarto. Ang mommy niya ay hinatid ng kanyang daddy sa clinic nito. Napa-private practice na kasi ang ina niya. In that way, mas hawak nito ang oras at masasabay nito ang pagiging doktor at ina sa kanila. Aside from being a licensed doctor kasi ay may negosyo rin ito kaya ginawa talaga nito ang lahat para mapagsabay ang mga iyon. Her mother is a superwoman, she must say. Ang kuya niya naman ay lumabas kasama ang bestfriend nito. Susulitin daw ang bakasyon nito rito at balik na naman itong Boston next week.
Ivy pressed her lips together as she surveyed her walk-in closet. Nandito na naman siya at plano niyang maglinis dito kaso di niya alam kung saan magsisimula. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo at akmang pupunta na sa collection niya ng mga bag nang biglang tumunog ang phone niya.
Kumunot ang noo niya at tiningnan ang caller. It was a group call so mas lalo siyang nagtaka kung anong ganap. Sinagot niya ito at agad na bumungad sa kanya ang mukha ng mga kaibigan niya. Ella and Wella were grinning like idiots, which made her even more confused.
“What’s with the grin? I don’t like that, ha. Parang may gagawin na naman kayong kung ano,” bungad niya. Wella, the one with the pixie cut, laughed at her.
“Grabe ka! We’re innocent!” halakhak nito. Umirap lang siya.
“What is it nga? I’m about to declutter. Istorbo kayo.” Ngumuso siya. Eksaheradang suminghap naman si Ella sa kanya na noon ay nagtitirintas ng mahaba nitong buhok. Hula niya ay nasa harapan ito ng vanity table nito.
“Grabe ka naman, sis. Ayaw mong pumunta ng golf club ngayon?” sa wakas ay sabi nito.
Sumimangot siya. “Anong gagawin doon? Wala ako sa mood mag-golf and walang maghahatid sa akin.”
“Problema ba iyon? Sunduin kita!” Wella was grinning from ear to ear. Ivy just rolled her eyes again.
“Che. Ano ngang meron?”
Ella shrugged. “Nothing. Just want to enjoy and nabalitaan din naming nandoon ang Alpha Sigma Phi,” her friend gigled, parang kinikilig. Bahagyang umawang ang bibig ni Ivy dito.
“Seriously? You’re not over that crush of yours? I told you, huwag ang fratman,” sermon niya pa rito. Sumimangot lang si Ella sa kanya at lumabi.
“Ang strict mo naman, Mommy,” asar pa nito. Nagtawanan ang dalawa. Napailing na lang siya.
“Sige na, Ivs!” kulit pa ni Wella sa kanya.” Napairap na lang ulit siya rito. Kinulit pa siya nang kinulit ng mga ito kaya sa huli ay napailing siya.
“Fine, fine. Sige na.”
“Yey!” sigawan ng mga ito. Napabuntong-hininga na lang siya at saka ibinaba na ang tawag. Napatitig pa tuloy siya sa kanyang walk-in closet at napakamot na lang ng ulo. Sa halip na maglinis ay pumili n alang siya ng susuotin niya.
Ilang saglit pa at saktong pagkatapos niyang mag-ayos ay kinalampag na siya ng mga kaibigan niya. Kotse ni Wella ang service nila. Nag-text na lang siya sa mga magulang na aalis.
On the way sa golf club ay ang ingay ng mga kasama niya. Napapailing na lang siya sa mga ito at isinandal na lang ang likod sa backrest. Hindi natahimik ang mga kaibigan niya kahit na noong dumating sila sa club. Mas lalo pa ngang umingay ang mga ito dahil nandoon ang mga fratmen at naglalaro sa field.
“Omg! Omg!” Tila sumakit ang ulo ni Ivy habang niyuyugyog ni Ella. Inaayos ang tatambayan nilang cottage sa gilid since may ganoon dito sa club para sa mga gusto lang manood. Malayo naman ito sa mismong field pero tanaw pa rin ang mga naglalaro. At syempre, kapag boylet sobrang linaw ng mga mata ng mga kaibigan niya.
“Shet! Ivy!” kinikilig na banat naman ni Wella. Napasalampak naman si Ivy sa couch at nagkuros ng mga hita. Iyong dalawa nagtatalunan sa kilig habang nakatitig sa grupo ng mga lalaki roon sa gitna ng field.
Napatingin na rin si Ivy doon pero agad na nanlaki ang mga mata niya nang may nakitang isang pamilyar na tao. Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo siya at lumapit sa dalawa.
“Oh my god, he’s back!” gulat na sambit niyang ikinatigil ng dalawa. Wella looked at her.
“Uh, who?” Mas nanlaki ang mga mata ni Ivy.
“Eonren Legaspi. Shit.”