Kusot-kusot ni Ivy ang kanyang mga mata habang naaalimpungatan siya ng gising. Nakagat niya ang kanyang labi at saka dahan-dahang bumangon sa kama. Napadaing na naman siya nang maramdaman ang p*******t ng kanyang ulo. Gusto niya na lang iumpog ang kanyang ulo sa pader sa sobrang sakit. “Damn it!” malutong na mura niya habang nakahawak sa kanyang ulo. Huminga siya nang malalim pero bahagya rin siyang napatigil nang makaamoy ng isang mabangong pagkain. Napakunot ang kanyang noo. Parang may nagluluto sa labas. “Am I in our mansion?” napatanong tuloy siya at agad na inilibot ang tingin sa buong paligid pero nandoon naman siya sa kwarto niya sa condo. Napasinghap siya at kahit na pakiramdam niya ay nahihilo pa rin siya sa sobrang sakit ng ulo niya. “Wella? Ella?” tawag niya sa mga kaibigan