"And you two came!" masiglang bulalas ni Ivy nang dumating sa wakas ang dalawa niyang kaibigan. They were in their usual cafe and she just got out of her class. Agad na umirap si Wella sa kanya at umupo na sa kanyang tapat. Ganoon din ang ginawa ni Ella. Magkatapat sila ngayon at sumisipsip na siya sa kanyang frappe habang magkatinginan at ang dalawa. “Seriously, Ivs, what’s with this ba? I mean, why does this sound so urgent?” tanong pa ni Wella sa kanya. “Yeah. Parang a matter of life and death na naman itong pa-lunch mo. Ano na namang meron?” si Ella naman. Kapwa nakatitig lang ang dalawa sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot. Humalukipkip siya sa mga ito. “I think Eon’s really in my building,” sa wakas ay sabi niya. Agad na nag-angat ng kilay si Ella sa kanya. “Huh?”