Chapter 30

2980 Words

To: Eon Good morning! Kinagat ni Ivy ang labi bago niya tuluyang s-in-end ang message na iyon. Inayos niya ang kanyang bag at saka siya umalis na ng kanyang kwarto. “Ivy, tara na at mali-late ang daddy mo!” rinig niyang sigaw ng mommy niya sa ibaba. Ngumuso siya at halos tumakbo na rin pababa ng kanilang hagdan. “Nandiyan na po!” Saktong pagkababa niya ay paalis na ng dining ang mga magulang. “O,pinagbalot na kita. Anak naman ang tagal mo,” sambit ng mommy niya na halatang nagmamadali na. Mas tumuilis ang nguso ni Ivy at saka tiningnan ang kanyang daddy na may kausap sa cell phone. “Sorry, Ma. Kakainin ko naman po ito saka baka bumili rin ako sa school. Don’t worry na,” assure niya na lang dito. Kita niya ang pagbuntong-hininga ni Ivory. Nailing pa ito at saka siya inilingan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD