Hindi mapakali si Ivy habang pabalik-balik ng lakad sa kanyang kwarto. Hindi niya na alam ang gagawin. Wala naman kasi sa planong sabihin sa mga magulang niya na nagdi-date sila ni Eonren. It will just make the situation worse. Paano kung hindi nag-work? At paano kung malaman nila ang mga pinaggagawa niya? Paniguradong pagagalitan siya at baka nga i-ground pa. “Ugh!” Napapikit na lang siya saka napahilamos ng mukha. “Ugh! Omg! This cannot be!” Gusto na lang niyang maiyak doon. Pabagsak na umupo siya ng kama niya. Ilang saglit pa ay nakita niya naman ang kanyang cell phone na tumunog. Napalunok pa siya nang dahan-dahang tingnan iyon. Halos mahigit niya na lang ang hininga nang makitang si Eonren iyong tumatawag. Huminga siya nang malalim at saka sinagot ang tawag ng lalaki. “Hey,” bat