NAPASERYOSO sina Laxus nang mula sa likuran nila ay may isang matandang nakasuot ng makapal na coat ang bigla na lang lumapit sa kanila. Masayang nakiupo ito sa kumpulan nila na tila ba ay sanay na sanay at si Laxus nga ay pasimpleng napatingin dito. Kalmado lang ang binata at hindi naman nakaramdam ng panganib sa panauhing ito. “Akala ko hindi na kayo magpapakita,” winika ni Laxus matapos kumuha ng isang malaking laman ng isda at iniabot sa bisita nila. “Magpapakita naman talaga ako sa inyo… Humanap nga lang ako ng magandang timing,” wika naman ni Sora na nagpasalamat sa ibinigay ni Laxus sa kanya. Kumain nga muna sila nang kumain para maubos ang mga isda na kanilang inihaw at nang matapos ay doon na nga napaseryoso ng tingin sina Laxus sa matandang kasama nila na ngiting-ngiti naman da