NAPASERYOSO na nga lang si Cruxade nang naglaho ang mga kasama niya at ngayon nga ay napunta siya sa isang lugar nang mag-isa. Binuksan niya ang kanyang mapa sa vision at wala pa ring masagap na area ito sa loob ng kanyang 5-kilometer radius. May kaunting pag-aalala nga siyang naramdaman at ang nangyaring ito ay malakas ang kutob niyang kagagawan ito ng player at hindi ng AI. “Posibleng taga-North Triangle ang may gawa nito… Sa pagkakaalam ko, may member si Luther na may kakayahang paglayu-layuin ang mga players mula sa isa’t isa at ang pagkawala ng tunog ng paligid kanina, kagagawan ito ni Silence… ang kanang kamay ng 1st Team Leader ni Captain King,” sabi ni Cruxade sa sarili na ngayon nga ay nakamasid nang seryoso sa paligid dahil baka bigla-bigla na lamang na may umatake sa kanya mula