SA MGA BATAS ng APWHAEM, ang mga taga-Tengoku Region at ang mga nagmula roon lamang ang tanging kailangan sumunod nito. Simple lang naman ang kaparusahan sa sinumang hindi susunod doon, ito nga ay ang pagkawala ng kanilang God’s Ability, na mas pinipili na nga lang ng ibang mga players na mamatay dahil ang pagkawala ng kanilang isa pang ability ay isang bagay na magpapababa ng kanilang pagkatao bilang mga players. May iba rin namang inalisan nito dahil sa pagiging mahina at mayroon ding iba na dahil sa paglabag nila sa mga batas ng larong ito. Ngayon nga ay nakatingin lang si Laxus kay Luther matapos marinig iyon mula kay Sora na naroon na nga rin. “Hindi pwedeng mawala ang God’s Ability ko… mawawala ang reputasyon ko sa guild namin kapag nangyari iyon,” mahinang winika naman ni Luther a