ILANG mga AIs na nga ang napabagsak ng grupo nina Laxus at Cruxade sa kanilang paglalakbay sa kabundukan ng Mist para makarating sa swordsmith ng Region 2. Para ngang hindi sila napalaban kanina sa mga players ng North Triangle Guild kung pagmamasdan ang kanilang mga pagkilos. Parang kalmadong-kalmado sila na tinatapos ang mga monsters na nakakasalubong nila. Malalakas din naman ang mga AIs na nakakalaban nila, pero hindi ito sapat para tapatan ang malalakas na players na tulad nila. “May na-detect na ang map ko sa parteng ito, ilang oras pang paglalakad at baka marating na natin ang Shadow Prairie,” wika nga ni Cruxade nang may marked area na lumabas sa kanyang mapa at ito ay ilang kilometro na lang mula sa kanilang kinatatayuan. Sa pagkakaalam niya ay isa itong malawak na damuhan dito s