TUMAMBAD sa harapan nina Laxus ang isang bahay na sementado na kung pagmamasdan ay nasa tatlong palapag ang mayroon dito. Nakadikit nga rin ito sa isang malaking bato sa likuran na tila ba sinadyang dito ito gawin. Napansin nga rin sa hindi kalayuan ang isang malawak na lugar na may mga nakabaon na mga iba’t-ibang uri ng mga sandata na may blade sa lupa. Ang ilan nga roon ay kinain na ng lupa at may iba namang tinubuan na ng d**o. May mga hinahapunan pa nga ng ibon na masayang lumilipad pagkatapos. “Iyan ang graveyard ng mga sandata rito, mga weapons na hindi ko na naaayos dahil mahirap nang pandayin,” sabi ng matanda na binuksan na ang pinto ng kanyang bahay. Sina Laxus naman ay seryosong nakatingin lang dito dahil sa kabila ng pagwe-welcome nito ay hindi naman ito nagpapakilala sa kani