BUMULAGTA nga sa ibabaw ng tubig ang dambuhalang AI na iyon matapos ang atakeng pinakawalan ni Sora. Makikita nga rin sa HP nito na nakabawas ang skill na iyon ng 25%. Ang tubig din nga sa paligid ay umangat at umapaw palabas sa gilid ng malawak na hukay na nasa tabi lang din ng ilog na tila ba magiging permanente na nitong karugtong sa sandaling matapos ang labanan dito. 55% HP na lamang ang mayroon sa Long-Body Crocodilius at ang matandang nanonood sa hindi kalayuan ay nabigla sa nangyaring iyon. Isang napakalakas na skill ang nasaksihan niya at hindi niya akalaing makakagawa iyon ng ganoong damage sa dambuhala nilang kalaban. Mula naman sa itaas, sa Cliff Village, ay labis na pagkagulat ang nasaksihan ng mga players na nanonood mula roon. Isa pa, nadagdagan na ang mga naroon dahil nai