MABILIS na kinain ni Laxus ang natitira niyang energy gum sa kanyang pouch. Nang magkaroon nga ng laman ang kanyang gauge ay agad siyang napaupo at napatingin sa paligid. Mukhang grabe nga pala talaga ang nangyaring pinsala sa paligid na dulot ng paglalaban nila kanina. Napatingin nga rin siya sa itaas ng gusaling kinalulugaran niya kanina pagdating dito at nawala na roon ang dalawang players na nanonood sa kanya. Napangisi na nga lang siya. “Nawala na sila ah. Pauwi na kaya sila? Tss…” Napatingin nga siya sa hindi kalayuan at naroon ang espadang ginamit ng AI na si Lucifer. Nakatusok ang kalahating bahagi nito sa lupa at mukhang kanya na raw ito. Nang tatayo na nga siya ay may kung ano pang nasagi ang kanyang kamay sa tabi niya. Isang kwintas ito na ang dulo ay dalawang maliit na ginton