NAGULANTANG na nga lamang ang buong Gevaar City sa nangyayari sa sentro ng lugar nila. Makikita nga kaagad ang paghangos ng mga ito patungo sa bahay ng kanilang panginoon na si Lucifer. Kumalembang nga rin ang kampana ng siyudad na isang signal upang sila ay magpuntahan nga talaga roon. Ngayon nga ay makikitang isang player na may dilaw na buhok ang nakatayo sa harapan ni Lucifer nang walang takot. “Talagang isa kang baliw bata… Pero huli na rin para magmakaawa ka pa sa akin,” wika ni Lucifer na nagngangalit ang ngipin dahil sa ginawa kanina sa kanya ng player na ito. Marahan nga niyang iginalaw ang kanyang brasong may hawak sa espada niyang Profane Rebellion. “Hindi mo rin siguro alam ang mangyayari sa iyo sa oras na makalaban mo ako…” Isang pagngisi naman ang ibinigay ni Laxus at kaila