NAGPATULOY na muli ang grupo nina Laxus at Cruxade sa paglalakad patungo sa isa bagong AI area. Lumipas na rin ang tanghali at naisipan muna nila na huminto sa paglalakad para kumain. Naghanap sila ng mga AI na pwedeng kainin, at isa pa, kailangang-kailangan ito ng pinuno ng Axis dahil sa paggamit nito sa God’s Ability niya kanina laban kay Cruxade. “May walong soldier groups ang Council at si Zariff ang 3rd Group Leader,” sabi nga ni Cruxade sa katabi niya na si Laxus. Kapwa nga sila may hawak na karneng niluto nila sa apoy na kanilang ginawa na mabilis nga rin nilang kinagatan. “Parang kagaya lang ng sa Terra Force Guild ng Region 1 na may mga team,” sabi nga ni Laxus na tila naisip na parang common design na ito ng mga grupo rito sa game. “Ibig-sabihin, may dalawa pang mas malakas sa