NAPASERYOSO na lang si Alexa nang may tumagos sa kanyang manipis na kulay itim na guhit, at nang mapatingin pa siya sa kanyang harapan ay nakita niya nga ang isang player na may dilaw na buhok na ngayon ay umuusok ng itim ang espada. “Ang bilis niya,” sabi ng dalaga sa sarili na bigla na lang nagpintig ang katawan nang hindi inaasahan. Umaangat na kasi ang paa niya mula sa lupa at doon na siya kinutuban. Hindi lang daw yata basta itim na guhit ang tumagos sa kanyang katawan kanina. “Isang skill!” Bago pa man nga tumalsik ang katawan niya pataas ay nabigla pa siya nang napakabilis na pinatama ng lalaking may dilaw na buhok ang talim ng espada nito sa kanya. Gumuhit ang pula at mahabang guhit sa kanyang katawan at isa na naman daw skill iyon. “Sword Skill! Curved s***h!” bulalas ni Laxus