“FEBRUARY pa lang naman ang nilagpasan ng edad ko bakit ang hirap nang umiri?” talak niya habang utay-utay ang pag-iri niya. Ang tagal na niyang nagli-labor ayaw pang lumabas ng anak niya. May kalahating oras nang nasa kuwarto si Karen. Naroon lang sila sa bahay nila Dario. Siyempre, si Dario ang magpapaanak sa kanya at assistant si Natalya. Wala pa naman si Trivor. Naabutan daw ito ng sikat ng araw sa Maynila at hindi makabiyahe o makapag-teleport. Gigil talaga siya rito. Sinabi niya na huwag muna itong lumayas dahil kabuwanan na niya. Makakalbo talaga niya ito pag-uwi. Bakit kasi umaga gustong lumabas ng anak niya? “Sige pa, dhay!” udyok sa kanya ni Martina. Nakaabang ito sa paanan niya habang maya-mayang hinihilot ang hita niya. Last month lang nanganak si Martina sa baby boy nito at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books