NAWINDANG si Karen nang malamang maling bangkay ang pilit niyang makita. Pero nagdulot pa rin ito ng matinding pighati sa puso niya. Bangkay ni Ian ang nakita niya. Inusig niya ang mga bampira kung bakit nagkaganoon. “Nanlaban si Ian kaya pinatay ko,” walang abog na sabi ni Jegs. “Pinatay ko na rin ang mga alagad niya,” anito. Naroon sila sa extension ng laboratory kung saan sinasalinan ng dugo ang katawan ni Ian. Nililinis daw ang dugo nito at magandang balita dahil maari pa itong mabuhay muli. Ang hindi niya kinaya ay ang nangyari kay Trivor. “Ligtas na sa delikadong virus at venom ang katawan ni Ian dahil naturukan ko siya ng gamot na ginawa ni Zyrus. Mabubuhay siyang muli bilang normal na bampira,” patuloy ni Jegs. Hindi na niya ito pinansin. Sumilip siya sa malaking salamin kung s