WALANG oras na sinabi si Ian sa sulat pero mas mabuti nang mauna sila sa metting place. Hinintay pa niyang mag-trasform si Jegs as Karen. And hell, when Jegs comes out from his room, kahit siya ay aakalaing si Karen ito. Kuhang-kuha nito ang buong aura ni Karen, katawan maging galaw. Nakasuot ito ng pulang dress. “Wow, ang kinis mo, bro!” puna kaagad ni Riegen kay Jegs, este, Karen. “Yeah, bro, I like my new look,” sabi naman ni Jegs. Pati boses ay kuhang-kuha. “Go, Triv! Romansahin mo na ‘yan!” biro pa ni Riegen. Umiling-iling siya. Sanay na siya sa mga kasama niya. Kahit nabibiro ang mga ito ay pagdating naman sa seryosong laban ay talagang maaasahan. Nasa lobby na silang lahat at pinal na inaayos ang plano. Kararating naman ni Erron na nag-survey sa meeting place nila ni Ian. “Wala