UMALIS na si Trivor sa tinutuluyan niyang apartment. Inakot niya lahat ng gamit niya sa mansiyon ni Dario sa CDO. Doon na rin siya umuuwi after ng duty niya. Minsan ay sa resort siya ni Erron nagpapalipas ng gabi. Sa palagay niya ay tama lang ang desisyon niya na pagbigyan pa ng sapat na panahon si Karen para malinis ang isip nito. Habang pinapahinga niya ang isip ni Karen, aasikasuhin muna niya ang kanyang problema sa nawawalang kalansay ng kanyang ama. Ayos kay Trivor, naging kalansay ang kanyang ama dahil sa tagal na nakakulong pero may ilang part pa ring buo na balat at ang immortal nitong puso ay buo pa kaya puwede pang buhayin. Iyon ang nakuhang impormasyon ni Erron mula sa tagapangasiwa ng libingan ng mga imortal. Kailangan nilang matukoy kung sino ang lapastangang nagnakaw ng mga