BUMALIKWAS ng upo si Karen nang bigla siyang mahimasmasan. Wala naman siyang maayos na panaginip pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Marahas na naibaling niya ang tingin sa kabubukas na pinto. Iniluwa niyon ang bulto ni Serron. “Gising ka na pala,” anito. May bitbit itong serving tray na may lamang baso ng tubig at mga gamot. Inilapag nito ang mga iyon sa bed side table. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Masyadong malaki ang kuwartong iyon. Ang malalaking bintana ay natatakpan ng makapal na pulang kurtina. Tanging kandila lamang ang nagsisilbing ilaw na nakatulos sa magarang chandelier na nakasabit sa kisame sa gawing paanan ng kama. Hindi pamilyar sa kanya ang kuwartong iyon. Masyadong madilim ang aura nito. “Nasaan ako?” pagkuwa’y tanong niya kay Serron. “Narito