Chapter 17

2403 Words

“Anong gagawin mo sa Mactan sa Linggo?” tanong sa kanya ni Martina nang lulan na sila ng kotse nito pauwi na sa bahay ng mga ito. “Meron lang akong aasikasuhin.” “Tungkol saan?” “Basta,” tugon lamang niya. Namagitan ang isang minutong katahimikan. “Pinapasabi nga pala ni Trivor na next week pa siya makakauwi, may hearing kasi siya sa Maynila,” mamaya’y batid ni Martina. Sandali niya itong sinipat. Hindi na siya naiinis sa pagkakataong iyon. “Nagkita ba kayo?” aniya. “Hindi. Sila ni Dario ang nagkita sa Maynila. Habilin pa nga raw ni Trivor ay huwag ka na raw maglamyerda sa gabi pagkatapos ng duty mo sa ospital. Umuwi ka raw kaagad,” nakangiting wika ni Martina. Napangiti siya. Kahit mukhang ewan ang dating ng habilin ni Trivor ay nagdulot iyon ng galak sa kanyang puso. Hindi na si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD