Kabanata 7
The leaves ruffled beneath the morning bright sky. I could hear a whistle through the cool air. In the distance I heard the sweet laughter of the people I love the most. Mula sa pagkakatingin sa asul na langit ay hinubad ko ang suot na pulang flat shoes at hinayaang damhin ng mga paa ang pinong bermuda grass.
Everytime this day comes, the sky seems to be alive and happy like we should be feeling the same way. Para bang ipinaparating nito sa amin na maging masaya kami imbes na maging malungkot. Maybe, it's Mommy's way to say that she's happy up there and that we should be happy, too.
"Zoe, here's your isaw. Ibinili ka namin ng Ninang Lian mo. Huwag papasobra, ha?" Ninong Liam uttered that pulled my gaze away from the bright blue sky.
Nagbaba ako ng tingin sa partikular sa isang plastik ng isaw na hawak nila. A gigantic smile spreads across my face and immediately took it from them.
"Thanks, Ninong Liam and Ninang Lian. Love na love niyo talaga ako!"
Ninang Lian chuckled softly. "Syempre naman. Ikaw pa ba?"
Matamis akong ngumiti sa kanya bago iniabot ang supot kela Tita Kate. Kumuha siya ng isang stick.
"Penge rin ako, Zo!" si Dania, maging si Krisna ay kumuha rin.
"Ikaw po, Tito Justin?" alok ko sa asawa ni Tita Kate.
"Sure."
Pagkakuha nilang lahat at lumingon ako kay Daddy na tahimik lang na nakatingin sa puntod ni Mommy. I looked down the black glossy gravestone of my mother. Her small picture on it looks so lively like it was only captured yesterday. Her smile, her eyes, everything... they look so vibrant. Sigurado akong mas masaya siya ngayon dahil narito kaming lahat na mahal niya sa buhay, nakapalibot sa tabi niya.
"Dad," I called out. He glanced at me questioningly. "Isaw?"
A soft chuckle escaped his throat. "Of course."
Kumuha siya nito at kinagatan ng walang arte. Ibinalik niya ang tingin sa lapida ni Mommy at mariin itong tinitigan. Pakiramdam ko, sa lumipas na mahigit dalawampung taon, kinakausap niya pa rin si Mommy sa isipan niya. Maybe, he's telling her so many stories about me. Ganoon naman palagi. Minsan ay pinaparinig niya pa sa akin ang mga kwento niya.
"I remember the first time you saw Lissie eating this, Zach. Galit na galit ka dahil hindi niya pinapansin ang mga pagkaing nilalagay mo sa plato niya. She kept on eating this damn street food because this was her favorite." Ninong Liam recalled.
I glanced at my Godfather. "Nag away sila, Ninong?"
He chuckled teasingly. "Yes. Your father walked out while we're eating."
"Shut up, Liam. I was done eating my breakfast that time. Why else would I stay there?" natatawa rin sagot ni Daddy na ikinalingon ko sa kanya.
"Ang sabihin mo, Jaxx, nagselos ka noon kaya todo walk out ka!" tudyo naman ni Tita Kate.
Dad rolled his eyes. "Pinatutulungan niyo ako, ha?"
Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Daddy. Maging ako ay hindi na rin nakapagpigil.
"If Lissie's just alive, she would surely be on our side. Siguradong makikiayon siya sa amin at hindi sa'yo." natatawang sabi ni Ninong Liam.
Nawala ang ngiti sa labi ni Dadsy at mabilis na napalitan ng pangungulila. He once again brought his eyes back to the gravestone and breathed a sigh. Tinanggal niya ang eyeglasses sa mga mata at pinahiran ang gilid nito. My heart clenched when a tear glittered under the bright sun.
"If only she's alive..."
Nagiwas ako ng tingin at itinuon ito kay Ninong Liam. He's biting his lip like dropping those words was a damn mistake. Hindi naman. Hindi na lang talaga maiiwasan ang makaramdam ng lungkot kapag paguusapan ang tungkol kay Mommy. There's a lot of what-if questions. Mga tanong na mananatili na lang hanggang tanong.
Naputol ang pagiisip ko nang tumunog ang cellphone ko sa aking sling bag. Binuksan ko ito at kinuha ang cellphone doon. There's a message from Archer and Trina. Halos magkasabay pa na dumating ayon sa oras.
Trina:
I can't make it today, Zo. Nagkaroon ako ng urgent meeting. I have to attend this, hindi uubra kung si Shey lang. Don't worry. Dadaan ako diyan kapag nalibre ako. I'm really sorry.
Hindi na ako nagatubili pang sagutin ang text niya. Sa halip ay lumipat agad ang mga mata ko sa isa pang text. And just like what I felt from the past days he's texting or calling me, the giddiness and excitement are now flowing through my veins and went straight to my... heart.
Archer Ravena:
Where are you?
Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Kung makahanap ay akala mo namang pag aari niya ako. Wala man lang good morning.
Ako:
Why do you ask?
Wala pang isang minuto ay tumunog muli ang cellphone ko. Excitedly, I glanced at it and a smile crept on my lips the moment I read what's written in it.
Archer Ravena:
I want to see you. Nasa bahay ka? O, sa opisina? Can I visit you?
I bit the bottom part of my lips. Nalasahan ko tuloy ang inilagay kong lipbalm doon pero ayos lang. Lasang strawberry naman.
Ako:
I'm in the cemetery with family. Mommy's death anniversary.
Archer Ravena:
Sorry about that. Can I come?
Huminga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may mga kamay na kumikiliti sa akin. Gusto kong ngumiti pero gusto ko rin pigilan dahil alam kong hindi pa ako sigurado sa nararamdaman kong ito.
Hindi pa nga ba? Pero masiyado pang maaga para makasiguro ako.
Nag angat ako ng tingin sa mga kasama. My heart jumped when I found that everyone of them are staring at me. Tita Kate was raising her on fleek eyebrow. Napatingin ako kay Daddy, wala itong alam sa mga tingin na ipinupukol sa akin.
"Ngumingiti habang nagtetext. May dapat ba kaming malaman?" Dania asked.
"May boyfriend ka na, Zoe?" si Krisna naman.
Sunod-sunod ang naging pag iling ko. "Wala, ah!"
"Bakit ka ngumingiti ng magisa diyan, kung ganoon?" tanong muli ni Dania. Sa magkapatid ay siya talaga ang mas intrimitida. Mabilis lagi makapansin.
"Uh... it's..." I tried to make an allibi but Dad's voice stopped me.
"Is that him?"
Nilingon ko siya, bumuntong hininga at tumango. "Yes, Dad. He wants to come over."
"Wait! Who's him? May boyfriend ka na, Zoe?" histerikal na tanong ni Tita Kate dahilan para lingunin ko siya.
"Hindi pa, Tita. Manliligaw pa lang." sagot ko.
Her sharp and smoky eyes widened and glanced at my father. "Pumayag ka? She's still young, Jaxx!"
"Kate, Zoe is already twenty six. You let your daughter have their first relationships after they graduated from college. Bakit itong si Zoe na bente-sais na ay ayaw mo pa?" singit ni Tito Justin.
Nilingon niya si Tito ngunit sandali lang iyon dahil agad niyang ibinalik sa akin. She stared at me with so much love and care.
"I'm not against it. Gusto ko lang tuparin kay Lissie na aalagaan ko ang anak niya at kasama na roon ang pagiingat ko para sa kanya pagdating sa pakikipagrelasyon. I want you to be extra careful, Zoe. Gusto kong maging matalino ka sa pagpili ng lalaking mamahalin mo." mahinahong wika niya.
Her words caressed my heart. It only made me realize how lucky I am to have a mother through her. Nawala man si Mommy, hindi niya naman ako pinabayaan habang lumalaki ako. She made me feel that I'm not alone and I will always be loved by her and her ownl family.
"Mas maayos nga na pumunta dito kung sino man iyang gustong manligaw sa'yo nang sa ganoon at makilatis namin." singit ni Ninong Liam.
"His name is Archer Ravena. Familiar?" Dad interrupted.
Tumaas ang kilay ni Tito Justin. "President of Ravena Steel Incorporation?"
"Yes, that's him."
Napakurap-kurap ako. He's the owner of that company? Talaga ba? I thought he's just a small time businessman. Though it's obvious from his get up that he's an elite, I still didn't think that he's that level up.
"Taray! Big time ka talaga, Zoe!" halakhak ni Dania. "Iyon nga lang, mas mayaman ka pa sa magiging boyfriend mo."
"The Ravenas are still on top five in the most wealthy family in Asia. They're under the Follosco’s. Not bad." sabi ni Tita Kate.
I sighed and transferred my eyes to Dad. Nakahanda na ang tingin niya para sa akin. "Puwede ko siyang papuntahin, Dad?"
Ngumiti siya sa akin. "Ask yourself, young lady. Do you want him to come over here?"
Ngumuso ako, ang pisngi ay nagiinit dahil sa hiya na nararamdaman. Halos lahat sila ay nakaabang sa magiging sagot ko.
"Yes, Dad."
He chuckled softly. "Do as you please, hija. Ikaw ang masusunod sa ating dalawa pagdating sa bagay na iyan. I won't meddle with your personal life. Ang tanging gusto ko lang ay mag-ingat ka."
I smiled warmly at him. "I will, Dad."
Agad akong tumungo at nagtipa ng mensahe para kay Archer. The giddiness I'm feeling doubled. Nanglalamig pa ang mga kamay ko at parang teen ager na makikipagkita sa crush niya.
Ako:
Holy Peace Memorial Park.
It's only a matter of time when Archer texted me saying that he's already here. Lumingon ako sa gate kung saan tanaw roon ang pumapasok. Wala akong makitang pigura niya roon kaya naisip kong pumunta roon.
Hinarap ko si Daddy na nakikipagusap sa cellphone hindi kalayuan sa amin. He's looking at me. Itinuro ko ang gate. Agad niyang nakuha ang ibig ko sabihin dahil isang beses siyang tumango.
Tumayo ako, hindi na nagpaalam sa iba pang kasama dahil abala rin ito sa pakikipagusap sa isa't-isa. My heart was pounding wildly in my chest as I made towards the entrance. Kinagat ko ang labi ko nang matanaw ko ang pagdating ng isang itim na SUV. Hindi ako puwedeng magkamali. Sigurado akong iyon ang sasakyan niya.
Nang makarating sa gate ay saktong paghinto ng sasakyan. Hindi nagtagal at bumukas ang pinto sa gawi ng driver's seat. My heart is anticipating me that I almost felt my knees shaking!
Ano ba, Zoe Leandra? Hindi ka naman patay na patay sa kanya, ah. Sakto lang. Hindi ka pa nga sigurado, hindi ba?
Archer is his white button down sleeve and black fitted slacks greeted my eyes. Suot ang isang wayfarer, itinaas niya ito at ipinatong sa kanyang ulo. His lips curved, showing his sexy smirk. Umikot siya sa gawi ng passenger seat at kinuha roon ang isang basket ng bulaklak.
Naglakad siya palapit sa akin. My body stiffened when he crouched and planted a soft kiss on my cheek. Nagkatinginan kami. I almost curse the weather for being this bright and clear. Siguradong kitang-kita ang pamumula ng mukha ko.
"For your Mom." he said, gesturing the basket of flowers.
"No one has ever dared to kiss me on the cheek, Ravena." I said frigidly.
His lips twitched. "That's good. I am your first. And I will be your only."
Hindi na napigilan pa, napangisi ako. "Smooth, huh?"
He winked at me. Napailing na lang ako nang may ngisi sa mga labi. Nagsimula na kaming maglakad papasok. Malayo pa lang ay nakikita ko na si Daddy, nasa amin ang atensyon. He's now back on sitting on the grass beside Mommy's gravestone.
My heart was already doing a rigodon. Ito ang unang beses na magpapakilala ako ng lalaki sa kanila. Ganito pala ang pakiramdam. Para akong masusuka.
"You have a huge family." sabi ni Archer habang naglalakad kami.
"They're just my parent's friend but I already treat them as a family."
"I see. Hindi ko alam na wala ka na palang nanay. Gaanong katagal na?"
"Since I was two..."
He breathed. "I'm sorry."
"That's fine."
Nakarating na kami sa pwesto. Lahat sila ay nasa amin ang paningin, palipat lipat sa amin ni Archer. Tita Kate's eyes were like daggers. Sila Dania at Krisna ay kinikilig na akala mong mga bata.
While Dad... he's looking at me with so much trust in his eyes, like he's telling me that I am already old so I can basically handle everything.
"Uh, t-this is Archer Ravena..." I stammered.
Damn it! This is my first time so they should bear with me!
Nilingon ko si Archer. "This is Tita Kate, her husband Tito Justine, their daughters Krisna and Dania. That's Ninong Liam and his wife Ninang Lian."
"Good morning, everyone. It's nice to meet all of you." Archer said gently.
Unang nakipagkamay ang magkapatid. Sumunod si Tito Justine at Ninong Liam. Kumaway lang si Ninang.
Tita Kate raised her eyebrow. "Give me a kiss on the cheek, young man. That's how business people inter-act."
Archer chuckled and did what Tita Kate wants. Nang matapos ay humarap kami kay Daddy na nakatitig sa amin.
"Good morning, Sir Monterro."
Tumango si Daddy. "Morning. Have a seat."
Naupo ako sa harapan ni Daddy. Napangiti ako nang walang alinlangan na bermuda grass kahit pa formal na formal ang suot niya. Dad doesn't want to put Mommy inside the mausoleum yet. Sila Lola Amara at Lolo Leighton ay naroon na sa ipinatayo niya nung namatay ito. Gusto niyang sabay sila ni Mommy ilalagak doon sa loob. That's a senseless idea. Ang isipin na mawawala rin si Daddy ay isang bangungot para sa akin.
"This is for your wife, Sir." sabi ni Archer at inabot ang basket ng bulaklak kay Daddy.
Kinuha ito ni Daddy at tumango. "Thanks."
He put it beside Mommy's graveyard. He anchored his eyes back to Archer and I could see the intensity through his gaze.
"I'll get straight to the point, Mr. Ravena. What exactly is your agenda towards my daughter?"
My eyes became round. Napatuwid ako ng pagkakaupo at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Archer.
Oh, God! This fast, Dad? Tatanungin mo siya kaagad?
"D-Dad!"
Narinig ko ang mahinahong pagbuntong hininga ni Archer. Nang muli ko siyang tingnan ay kalmado nitong tingin kay Daddy.
"I honestly want to take this opportunity to ask for your permission," he said and those starting words almost take my breath away. "In front of everyone who's dear to Lean, can you give me the blessing to formally court your daughter, Sir?"