Kabanata 6
Dad threw his car keys across the center table the moment we reached the living room. Pasalampak siyang naupo sa kulay abong couch at idinipa ang mga kamay sa sandalan. He bore his dim and slightly wrinkled eyes into me.
"You have something to tell me, princess?"
Naupo ako sa couch na nasa harap niya at nagpakawala ng buntong hininga. Nag angat ako ng tingin sa kanya. His eyes were void of any emotions so I couldn't say if he's mad about that dinner I had with Archer or what. Hindi ko puwedeng pagbasehan ang dilim ng mga mata niya dahil natural na iyon sa kanya.
"It's just a dinner, Dad. Normal lang-"
"Normal kung tungkol sa negosyo ang dahilan ng paglabas niyo," he cut me off. "Is that Archer Ravena courting you?"
Is he? Hindi pa naman, hindi ba? Hindi ko man direktang sinabi sa kanya na puwede niya akong ligawan, alam kong nakuha niya na kaagad iyon mula sa huling salitang binitawan ko sa kanya. I don't know what's gotten into me that I gave him the chance to court me. Masiyado ata akong nagpadalos-dalos. Kung gaano ako naging kahigpit at strika sa mga naunang nangligaw sa akin, siya namang ikinadali kong bumigay sa kanya.
Pero... puwede ko naman bawiin ang sinabi ko sa kanya, hindi ba? Pero... bakit ko rin babawiin kung puwede namang hindi na?
"Zoe Leandra..."
"Dad!" I called out, eyes widening a bit.
Nag angat siya ng kilay sa akin. "You're spacing out."
Tumungo ako, aminado sa paratang niya. "I'm sorry, Dad."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Is my princess falling in love now?"
Kumalabog ang puso ko sa naging tanong na 'yon ni Daddy kasabay ng pagaangat ko sa kanya ng tingin.
"Dad, hindi! It's just that..." Naging malikot ang mga mata ko dahil sa pagapuhap ng tamang isasagot sa aking ama. Nang walang masabi ay bumuntong hininga ako at umiling. "I don't know, Dad. Naguguluhan ako. I'm not in love with him. We've just met a few days ago, hindi pa nga maganda ang paraan ng pagkakakilala namin, eh. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang iba 'yong pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. There's something in me that makes me feel... giddy."
I'm not in love with Archer. I'm sure of that. There's no way in earth I'd fall into someone that fast and easy. What I'm feeling right now is sure just an infatuation. Yes, that's right. I'm just infatuated. Baka nga naninibago lang ako sa nararamdaman kong ito dahil hindi pa naman ako kahit kailan nagkanobyo. This butterflies in my stomach will eventually stop from flying.
"You know what, princess, the first time I saw and met your mother, iyan rin ang naramdaman ko. I was giddy and confused. Hindi ko maintindihan kung bakit unang kita ko pa lang sa kanya, hindi ko na kaagad siya matanggal sa isip ko. Every details of her beautiful face were stuck in my mind," Dad recalled. He's staring at my mother's huge portrait in front of us. Maging ako ay napatitig na rin doon. "I was also indenial that time. Sabi ko imposibleng gusto ko na kaagad siya noon dahil unang kita pa lang naman namin."
Malungkot akong ngumiti. "Love at first sight, Dad?"
He breathed. Napatingin ako sa kanya at may anino na ng matamis na ngiti sa kanyang mukha.
"It was not exactly love at first sight, princess. It's more of soul recognition." he said with so much sincerity dripping from his voice. Para bang sinasabi niya iyon sa mismong harapan ni Mommy, na para bang buhay pa ito.
I wonder... if the heavens didn't take Mommy so soon, may pag asa pa kaya silang magkabalikan ni Daddy? Would she still forgive and start anew life with him? Posible. Maaari. Alang-ala sa akin, baka puwede pa. Pero siyempre, hanggang imahinasyon na lang ako.
"Being confused means you already have something for that man, princess. Hindi mo kailangan pilitin alamin kung ano iyon dahil kusa mong malalaman ang kasagutan sa tamang oras. You're already old and I won't deprive you for having a relationship. Kung sakaling papapasukin mo ang lalakingi iyon sa buhay mo, siguraduhin mo lang na karapat-dapat siya. Make sure that he's worth the chance, he's worth your attention and most of all... he's worth your love."
Ngumiti ako at walang pasabing lumipat sa tabi niya. I locked my arms around his body and hugged him tight.
"Hindi pa ako sigurado, Daddy. Pero kung sakali... ayos lang sa'yo ang magpaligaw ako dito sa bahay?"
He chuckled. "Hindi ka pa sigurado niyan, huh?"
"Eh, Dad naman! Please understand. This is the first time I have felt something strange towards a man. Naninibago ako lalo na at hindi naman ako sigurado kung seryoso nga siya nang sabihin niyang gusto niya ako. Baka mamaya ay natsa-challenge lang siya sa akin dahil palagi ko siyang sinusungitan."
"That's why there's a get to know each other stage. Kikilalanin niyo muna ang isa't-isa. You have a chance to know him. Doon mo malalaman kung talaga bang gusto mo siya. Kung talaga bang handa kang papasukin siya sa buhay mo." sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Ang mga mata ko ay muli akong dinala sa portrait ni Mommy. She's all smiles, her eyes directed to us. Para tuloy siyang nakatingin sa amin.
"Nagkaroon din ba kayo ng get to know each other stage ni Mommy, Dad?" wala sa sariling tanong ko.
"Yes, but for a very short time only. Palagi na ako nakabuntot sa Mommy mo simula nang makilala ko siya. I became closer to her when your Lola Lucy died. Ako at ang Ninong Liam mo ang palaging nasa tabi niya. I didn't waste any time and confessed to her about my feelings. Fortunately, we were feeling the same way..." he said and breathed a sigh as if that memories only triggered his emotions. "Don't be afraid, princess. Huwag kang matakot sumugal. Parte na isang relasyon ang sumaya, magmahal at higit sa lahat, masaktan."
Pero paano kung ang kinatatakutan ko ay ang mismong anino mo, Dad? Paano kung hayaan kong papasukin si Archer sa buhay at mangyari ang panglolokong ginawa mo kay Mommy? Paano kung lokohin niya rin ako? I may not be able to know how Mommy felt when you betrayed her but I feel like it'd leave a scar on my heart when that also happened to me.
Natatakot ako. Natatakot akong masaktan at hindi makabangon. Wala akong sapat na tapang o lakas ng loob para kayanin iyon.
"Don't fight it. Don't deny the inevitable. You are free to fall because you know there's someone there to catch you on the other side." Dad added that temporarily put my heart in a room where calmness is the only emotion that exists.
Umakyat ako ng kwarto pagkatapos ng paguusap namin ni Daddy. Mayroon parte sa akin ang nakakaramdam ng kaunting kaluwagan sa dibdib na hahayaan niya akong magdesisyon para sa sarili ko at para sa relasyong... papasukin ko kung sakali.
May duda pa rin ako, takot at pagaalinlangan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kabilis ang mga pangyayari. Parang nung isang araw lang ay nagtatalo kami dahil sa pagkakabangga niya sa akin. Ngayon ay naguguluhan na ako kung papatulan ko ba siya sa mga kalokohan niya. O, kung kalokohan ba talaga 'yon.
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. My phone suddenly vibrated. Tamad kong kinuha ito. My heart clobbered when I saw a message from him.
Archer Ravena:
Wala ng bawian :)
Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. Alam ko na kaagad ang ibig niyang sabihin.
Ako:
That was only a joke.
Huminga ako ng malalim. I'm still torn between giving him a chance or pushing him away. Kung itutulak ko siya, bakit hindi pa man nangyayari ay labag na kaagad sa kalooban ko? Bakit parang nagaalinlangan ako dahil... gusto ko na siya makita parati? Handa ba talaga akong sumugal sa unang pagkakataon?
Muling tumunog ang cellphone ko. Sa mabilis na tahip ng puso, binasa ko ito at halos mapapikit dahil sa kilig na dulot noon.
Archer Ravena:
Hindi ka puwede magbiro sa lalaking seryoso sa'yo, Lean.