Kinakabahan ngunit kusang niluwagan ni Akisha ang pinto para makapasok si Amiro. May babalang umiilaw sa kanyang isipan, sigurado kapag hinayaan niyang magkasama sila sa silid na iyon may hindi nanaman tamang mangyayari sa kanila. Pagkapasok na pagkapasok ni Amiro sa silid, mabilis namang kumaripas ng takbo si Akisha palabas ng silid at nagpatuloy patungo sa pasilyo hanggang sa makalabas ng mansyon. Naiwan namang natitigilan si Amiro. Tinawag pa niya si Aki pero mabilis na itong nakatakbo palabas. "s**t!" napamura pa siya. Akalain ba niya na nasa kwarto na iyon si Aki. Balak sana niyang magpalit ng iba niyang swimming trunks. Bubuksan na niya ang pinto ng bigla iyong bumukas at iluwa ang naka-swimsuit na si Aki. Napakasexy nito kaya naman hindi niya naiwasan ang hindi magreact ang kan