"Wala na Aki, n-naitaboy ko na," wika niya ng maitaboy na ng kanyang paa ang palaka palabas ng banyo. "Salamat po Señorito, p-pasensya na po," nahihiyang wika nito. Tumingin siya sa mata nito pero hindi ito nakatagal dahil umiwas agad ito ng tingin sa kanya. "Pwede nyo na po akong ibaba Señorito, h-hindi ko po kasi maalis sa isip ko kanina iyong sinabi ninyo tungkol sa ahas kaya ng talunan ako ng palaka ei nagulat po talaga ako pero hindi naman po talaga ako takot sa palaka, pasensya na po," nahihiya wka muli nito. Tila naghihintay ito na ibaba niya pero bagkus na ibaba, isinandal niya ito sa pader at agad na siniil ng halik ang nakaawang nitong mga labi. "Señ—," namutawi sa bibig nito pero hindi na naituloy dahil agad niyang ipinasok ang kanyang dila sa loob ng bibig nito. Gin