"Kaawaan ka ng Diyos," wika ng kanyang Itay ng magbless siya pagkadating nila sa bahay. Nag-bless din si Amiro, tinanggap din naman ng kanyang Itay ang kamay nito pero makikitang seryoso ito. "Uhmm, aalis na rin po ako Tito. Aki, alis na ako ha." paalam ng kanyang Señorito sa kanila. "Sige na po Señorito mag-iingat po kayo sa pagdadrive," wika niya. "Pasensya na po ulit Tito kong hindi ko na pinatawag si Aki kay bro James, wala naman po akong ginagawa kaya ako nalang din ang nagpresenta sa kanyang maghatid," muli nahihiyang nitong hinging paumanhin sa kanyang Itay. Napapakunot naman ang kanyang noo dahil iba talaga ang iginagawi nito kay Amiro samantalang kapag kay Brent napakagiliw nito. Kay Amiro, nakasimangot lamang ito habang kinakausap ito. "Sige na, makakaalis ka na," seryos