"A-Ano?! Magkapatid kayo?!" gulat na bulalas ni Brent. "Oo Brent, ipinagtapat namin ito sa iyo ni Aki dahil may problema kami. At alam kong ikaw lamang ang nag-iisang makakatulong sa amin," wika ni Amiro. "Pano? A-Anong tulong?" takang tanong nito. "Mahal ko si Aki, mahal na mahal pero natuklasan namin na magkapatid kami kaya hindi pwede at alam kong mahal mo rin si Aki kaya ikaw ang nilapitan namin," wika muli ni Amiro, tahimik lang naman siya habang katabi ito. "Wait, ang gulo Kuya. Yes I love her, pero pano naman ako makakatulong sa problema mo? I mean sa problema ninyong dalawa, gaya ng sabi mo mahal mo rin si Aki. Ei di mas mainam na kalimutan mo na lamang siya para tapos ang problema. Isipin mo na lamang na pagmamahal bilang Kuya niya ang nararamdaman mo. Hindi ko lang mainti