Kabanata 54

1624 Words

Masakit ang ulo ni Aki ng imulat niya ang kanyang mga mata. Ngunit agad na napakunot noo siya ng mapansing wala sila sa kanilang bahay. Nakita niya si Amiro na halatang problemado at tila malayo ang iniisip, hindi nito napansin na gising na siya dahil nakatanaw ito sa bintana. "A-Amiro, nasan tayo?" tanong niya dito sabay bangon. "Aki, gising ka na pala!" mabilis itong nakalapit sa kanya at inalalayan siya sa pag-upo. "Bakit tayo nandito Amiro, saan ito?" tanong muli niya. "Nandito tayo sa ospital, dinala kita dito dahil nawalan ka ng malay tao kanina," malungkot na wika nito, tsaka tila walang kasigla-siglang umupo ito sa upuang nasa tabi ng kanyang hospital bed. Napatingin siya sa paligid, maganda ang silid na iyon, malaki kaya hindi niya agad naisip na nasa ospital sila. Iban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD