"Teka Señorito, may lagnat ka ba? O baka naman nalipasan ka ng gutom kaya kong ano-ano na ang sinasabi nyo diyan? Magkapatid? Tayo? Si Kuya James lamang po ang kapatid ko Señorito, pinapa-alala ko lang po sa inyo kasi baka naman nakakalimutan nyo na. Ganon ba kahirap na tanggapin ako? Ganon nyo ba kamahal ang babaeng sinasabi ninyo para saktan nyo ako ng ganito? Na gagawa ka pa ng kong ano-anong dahilan para lamang layuan kita? Tapos hindi ka pa nasiyahan gusto mo pa na magpakasal ako kay Sir Brent?" mahabang pahayag niya dito, mahahalata sa kanyhang boses ang kanyang sama ng loob sa lalaki. Pano nito nagawa iyon sa kanya? Bakit pa nito kinuha ang lahat ng kanyang first kong wala naman pala itong balak na patunayan siya? Oo nga, hindi siya umaasa na pananagutan siya nito pero ang ipang