Naging regular ang pagpunta ni Brent sa bahay nina Akisha. Pagkakagaling nito sa klase, magla-live lamang ng halos dalawa hanggang tatlong oras ay umaalis na ito patungo kina Akisha. Dati-rati halos buong maghapon itong naglalive kapag walang pasok at kapag may pasok naman sa hapon ito naglalive at hanggang gabi na iyon. Pero simula ng umalis si Akisha sa kanilang bahay ganon na ang naging routine nito sa mansyon. Minsan naiinis na si Amiro parang gusto na niya itong sitahin. Pero ano naman karapatan niya, pinagtabuyan niya si Aki at siya pa ang nagtulak dito na ligawan ang babae. Baka nga nagkakamabutihan na ang dalawa kasi halos dalawang linggo na rin itong walang sawa sa pagpabalik-balik sa lugar nina Aki. Ni wala rin itong naikukwento sa kanila o kahit sa kanya man. Medyo ramdam din