"Shhh, okey lang Aki. Don't cry, baka pati ako mahawa sayo nyan," natatawa wika ni Brent sa kanya. Kumalas siya ng yakap dito. "Ikaw naman kasi Sir Brent, ginugulat mo naman kasi ako. Hindi ko alam kong papano kita pasasalamatan pero tinitiyak kong kahit paunti-unti babayaran ka namin. Hindi ako mapapalagay kong basta mo nalang ibibigay ng free ang lahat ng ito," wika niya. "Naku wag mo ng isipin iyon, basta ang mahalaga ngayon mailabas nyo na ang inyong Itay," wika muli nito. Napakabait din talaga nito, mas ito pa nga yata ang nagmana kay Don Enrile. Taliwas kasi ang ugali ni Amiro sa matanda, sabagay baka dahil sa mga pinagdaanan nito kaya nagbago na ang ugali nito. "Okey na po Sir," narinig niyang wika ng babae nag-assist dito. "Tayo na," nakangiti nitong aya sa kanya tsaka in