Lumingon din ang kanyang Sir Brent at nakita nito ang pinsan. Nagmenor ito at gumilid ng bahagya para bigyang daan ang pinsan. Akala niya ay dederitso na si Amiro pero tumigil ito sa unahan nila kaya napilitan din na huminto ang kanyang Sir Brent. Nakita niyang bumaba ito ng kotse nito at madilim ang anyong lumapit sa kanila. Kinabahan siya baka kong ano ang gawin nito sa kanya. "Oh mukhang may bago ka nanamang bibiktimahin Miss goldigger!" pauyam na wika nito. "Kuya, stop! Wag mo namang bastusin si Akisha!" galit na suway naman dito ni Brent, siya naman ay humigpit ang pagkakakapit sa bewang ni Brent. "H-hayaan mo na lang si Señorito Sir Brent. Galit lang siya sa nagawa ko kaya nakakapagsalita siya ng ganyan," sabi na lamang niya sa kanyang Sir. "Whooaa feeling pa-victim nanama