Halos umusok ang ilong ni Amiro dahil sa matinding inis kay Aki. Nasa may balkonahe siya ng kanyang silid at natatanaw doon ang garahe nila kong saan nakapark ang big bike ni Brent. Nakita niya ng isuot ni Brent kay Aki ang helmet nito, halos magkadikit na yata ang mga helmet ng mga ito pero mukhang mas nag-eenjoy pa ang dalawa. Unang sumakay si Brent sa motor at sa likod naman nito si Aki. Kitang-kita din niya ang paglalagay ni Brent sa kamay ni Aki sa bewang nito. Marahil don nito iyon pinapahawak tapos nagtatawanan pa ang dalawa. "Huh! Mukhang pera talaga! Kanina umiiyak pa siya dito pero ngayon masaya na dahil meron nanaman siyang bagong bibiktimahin! Pwes nagkakamali ka babae!" inis na wika niya sa sarili. Marahas siyang umalis sa balkonahe. At nagtungo sa loob ng kwarto, napako a