Parang basang sisiw na napahandusay sa kanyang silid na inuukupa si Akisha. Hindi maampat ang kanyang pag-iyak dahil sa masakit na katotohanang napakababa pala ng tingin ni Amiro sa kanya. Isang masayang sandali mula sa piling nito, umasa siya kahit konti na magiging maayos sila pero iyon pala kabayaran niya iyon para sa pagkakautang niya. Feeling niya isa siyang bayarang babae ngayon. Ganon na ba talaga siya kasama para dito. Ang sakit, sobrang sakit. Iyong tipong parang paulit-ulit siyang sinaksak ng punyal sa kanyang dibdib. Tama lang siguro na umalis na siya sa mansyon na iyon. Tama lang na lumayo na siya sa lugar na ito na minsang nagparanas sa kanya ng kasiyahan at nagparanas din sa kanya ng ibayong sakit mula sa lalaking kanyang lihim na iniibig. Inot-inot siyang tumayo mula sa