Halos manlaki ang mata ni Akisha sa narinig mula sa kanyang Señorito, hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Ngunit andon ang kagustuhang maglulundag siya dahil sa sobrang kasiyahan. Imagine, mahal din siya ng kanyang Seńorito, ang lalaking lihim na tinatangi ng kanyang puso. Ang problema nga lang, akala nito na nababakla na dahil nga ang pagkakaalam nito ay isa siyang lalaki. Parang mas lalong naging komplikado sa kanya ang lahat. Papano niya ipagtatapat dito ang buong katotohanan. Papano niya sasabihin dito na hindi ito bakla dahil babae naman talaga siya. Pero batid niyang mahirap para dito ang umamin ng nararamdaman nito, lalo pa at inaakala nito na bakla ito. Papano na lang kong mas lalo pang lumala ang sitwasyon. "Mahal kita Aki, maniwala ka man o hindi totoo ang aking ipina