Sa una nagpupumiglas pa si Aki pero kalaunan ay tuluyan na siyang nagpa-ubaya dito. Dalang-dala na siya sa tamis ng halik ng kanyang mahal. Hanggang sa bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, naramdaman din niya ang kahandaan nito sa may puson niya doon umilaw ang babala sa kanya. Agad niya itong naitulak, muntik pa nga itong bumaliktad sa kama dahil napalakas iyon. Mabilis naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. "P-Pasensya na Señorito, labas na muna po ako." paalam niya saka siya mabilis na lumabas ng kwarto. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya ng makapasok sa sariling silid. Napakahina talaga niya pagdating sa kanyang Señorito, mahawakan lamang siya at lalo na kapag hinalikan siya nito ei nawawala siya sa tamang huwisyo. Papano na lamang kong hindi niya ito napigilan,