Galit at poot ang naramdaman ni Amiro ng mga sandaling iyon. Nasa kanyang isip ng mga sandaling iyon ay ang panloloko ni Aki sa kanya o kong ano man ang tunay nitong pangalan. Halos dalawang buwan din siyang niloko nito. At siya naman na tanga, na tila tuluyan na ngang nabulag ay hindi manlang nahalata ang pagpapanggap nito bilang babae. Isa pang ikinagagalit niya ay dahil lamang sa pera kaya nagawa nito ang bagay na iyon. Wala itong ipinagkaiba kay Ellaine, parehas lamang ang mga itong pera lamang ang habol sa kanya. Isa pang ikinagagalit niya, para siyang tanga na hirap na hirap tanggapin iyong akala niya ay siya ang bakla kaya ganon ang nararamdaman niya dito. Hindi biro ang pinagdaanan niyang hirap bago tuluyang matanggap na bakla siya para lamang makapagtapat na siya kay Aki. Napapa