A-Amiro anak?!" nauutal na wika nito, inalis na rin nito ang suot na sunglass. "Wag nyo akong matawag-tawag na anak dahil wala kayong kwentang ina!" galit na sigaw ni Amiro. "Dyosko, Amiro anak patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanan ko sa inyo ng Papa mo," umiiyak na hinging paumanhin nito. "Patawarin? G-Ganon lang ba talaga kadali iyon sa inyo?! Hindi nyo alam ang paghihirap ko non Mama!" asik dito ni Amiro. Paulit-ulit lamang itong umiiyak. May ilan ng nakapansin sa kanilang kapitbahay dahil sa malakas na boses ni Amiro. Kaya kahit siya ay umiiyak na rin, inaya niya ang dalawa na pumasok sa loob ng bahay. "Amiro kong nais mo luluhod ako sa harap mo, mapatawad mo lamang ako anak ko. Hindi mo alam kong gaano kita noon namiss anak. K-Kaya lang hindi ko na talaga kaya pang mak