ARAW NG KASAL. "Aba Kuya, bakit tila yata kabado ka diyan? Panay ang tingin mo sa relos mo at pati pawis mo ay butil-butil na oh," puna kay Amiro ni Brent. "Aba Dude, wag mong sabihing kinakabahan ka na baka hindi ka siputin ni Akisha. Imposible yon, mahal na mahal ka non at syempre buntis na iyon." wika naman ni Clyde. Si Brent ang kanilang Bestman at dahil wala namang pwedeng maging brides maid na kamag-anak ni Aki ay si Paang na lamang ang ginawa nilang Bridesmaid. Tsaka iyon din naman ang request ni Brent sa kanila, kinonsensya pa nga sila nito kunyari at ipinaalala sa kanila na may kasalan sila dito. "Fifteen minutes nalang kasi Dude magsisimula na ang seremonya. Kaya medyo nag-aalala na akong talaga," wika niya na balisa na. "Saglit tatawagan ko lang si Aki," wika naman ni